Walang nadamay na Pinoy... Train attack sa Tokyo, 17 nadale
- BULGAR

- Nov 1, 2021
- 1 min read
ni Lolet Abania | November 1, 2021

Walang Pilipino na nasaktan matapos ang naganap na train attack sa Tokyo, kahapon, Oktubre 31 kung saan 17 katao ang nasugatan sa insidente, batay sa report ng Philippine Embassy in Japan ngayong Lunes.
Tinukoy ni Philippine Deputy Chief of Mission to Japan Robespierre Bolivar, ang nangyaring pag-atake ng isang lalaki na nakasuot ng costume bilang Joker, ang nemesis o kalaban ng superhero na si Batman, sa loob ng isang Tokyo train line.
“Sa kabutihang palad, wala namang Pilipino na napaulat na na-injure,” ani Bolivar sa isang radio interview ngayong araw.
“The suspect is now under police custody,” dagdag niya.
Samantala, ayon kay Bolivar tinatayang nasa 400,000 Pilipino ang nasa Tokyo Metropolitan area, habang wala namang active COVID-19 cases sa kabuuan sa Filipino community doon sa ngayon.
Hindi naman makapagbigay ng bilang si Bolivar hinggil sa COVID-19 vaccine coverage ng mga Pinoy sa Japan dahil ito sa data privacy policy ng gobyerno ng Japan.
Sinabi ni Bolivar na nasa 70% ng Japanese population ang bakunado na kontra-COVID-19.





Comments