Pope Leo XIV, nanawagan ng pagbabago sa pagtugon ng Simbahan sa mga bigong pagsasama

by BRT @News | October 8, 2026

Photo: Pope Leo XIV - Alessandra Tarantino
Nanawagan si Pope Leo XIV sa Simbahang Katolika na pag-isipan kung paano nito tinutulungan ang mga pamilya at hinaharap ang mga bigong pagsasama.
Ginawa niya ang pahayag nitong Miyerkules sa pagbubukas ng isang linggong pagpupulong ng mga obispo mula sa 120 bansa.
Hindi direktang binanggit ni Leo ang diborsyo, ngunit hinimok niya ang mga lider ng Simbahan na pagtuunan ang mga pamilyang dumaranas ng problema, sugat at kabiguan sa pagsasama.
Ang pagpupulong ay bahagi ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng dokumentong Amoris Laetitia ni yumaong Pope Francis.
Sa ilalim ng kasalukuyang aral ng Simbahan, hindi maaaring tumanggap ng Komunyon ang mga Katolikong nagdiborsyo at muling nagpakasal sa civil ceremony maliban kung napawalang-bisa ang unang kasal.
Tatalakayin din sa pagpupulong ang mga hamon sa pag-aasawa at paraan upang higit na matanggap ang LGBTQ community.





Comments