top of page
BULGARY - NETIZENS, NAAARTEHAN NA KINA SARAH AT MATTEO_IG _matteog.jpeg
Search

by Gerard Arce @Sports News | October 5, 2026



Dumalo sa closing ceremony parade sina gold medalist EJ Obiena at beach volleyball player Sisi Rondina sa pormal na pagtatapos ng 20th Asian Games Aichi-Nagoya 2026 sa Nagoya, Japan.

Photo: Dumalo sa closing ceremony parade sina gold medalist EJ Obiena at beach volleyball player Sisi Rondina sa pormal na pagtatapos ng 20th Asian Games Aichi-Nagoya 2026 sa Nagoya, Japan. (pocmedia)



       

Hindi man nakuha ang target na 8 gintong medalya, ang laki naman ng ipinagbago pagdating sa kabuuang medalya at dagdag sports na nagka-medalya sa mahigit 2  linggong aksyon sa pormal na pagtatapos ng 20th Asian Games Aichi-Nagoya 2026 sa Nagoya, Japan.


Napantayan pa rin ng Pilipinas ang 4 na gintong medalya noong 2018 Jakarta-Palembang at 2022 Hangzhou Asian meet – subalit mas dumami ang medalyang pilak at tanso na nakuha  sa kabuuang 29, na ika-limang overall medals ng bansa sa quadrennial meet.

 

“We’re very happy we won so many medals in so many sports—kung ’di po ako nagkakamali, 18, 19 sports. In China 2023 Hangzhou Asian Games, we won in 11 sports. ’Yan po ang malaking pagbabago, at ’yan po ang importante sa ating development ng Philippine sports, sa ating grassroots program,” pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick “Pato” Gregorio, kasama sina PSC Commissioner Walter Torres at Executive Director Atty. Guillermo Iroy.


Binigyang-diin din ni Gregorio ang insentibo ng bawat atleta at coaches na nagka- medalya na aabot sa P35 milyon – na maaari pa umanong madagdagan mula sa mga corporate sponsors, katuwang ang Office of the President.


“That’s for the athletes and for the coaches. Sana dagdagan pa ’yang 35 na ’yan! Sana dumami pa, wala po tayong problema diyan,” paglalahad ng PSC chief. 


 
 

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | April 26, 2026



Japan wildfire - Kyodo - Reuters


Sumiklab ang dalawang sunog sa kagubatan sa Iwate Prefecture, Japan na nagsimula noong Miyerkules, kung saan umabot na sa 1,800 ektarya ang tinupok ng apoy hanggang nitong Biyernes ng umaga (local time). Dahil dito, mahigit 1,000 residente ang inilikas.


Ayon sa ulat, unang naganap ang sunog sa Kozuchi district ng bayan ng Otsuchi bandang alas-1:50 ng hapon. Mabilis itong kumalat at naapektuhan ang ilang gusali pati na ang kalapit na kagubatan.


Ilang oras matapos nito, isa pang sunog ang sumiklab sa bulubunduking bahagi ng Kirikiri district, na tinatayang nasa 10 kilometro ang layo mula sa unang pinangyarihan.

Dahil sa banta ng panganib, nasa 3,000 residente ang pinalikas, lalo na ang mga nakatira malapit sa ikalawang lugar na tinamaan ng sunog.


Sa kabila ng insidente, wala pang naitatalang nasawi o nasugatan.

Nauna nang nagbabala ang weather observatory sa lugar tungkol sa tuyong panahon at malalakas na hangin, na pinaniniwalaang nagpalala sa mabilis na pagkalat ng apoy.


Samantala, isang 61-anyos na residente na lumikas kasama ang kanyang pamilya ang nagpatunay na dalawang magkahiwalay na sunog ang naganap. Ipinahayag din niya ang kanyang pag-aalala sa kalagayan ng kanilang tahanan.

 
 

ni Lester Bautista @Entertainment | March 19, 2026



REST IN PEACE, TSUTOMU SHIBAYAMA - Doraemon

File : Doraemon at Tsutomu Shibayama / Circulated



Rest in Peace, Tsutomu Shibayama


Pumanaw na sa edad na 84 ang longtime director ng animated series na "Doraemon" na si Tsutomu Shibayama.


Sa isang pahayag sa opisyal na website nito, kinumpirma ng animation studio na Ajia-do ang pagpanaw ni Shibayama, na sinasabing namatay siya noong Marso 6 dahil sa lung cancer.


“He served as chief director for the TV series ‘Doraemon,’ and has worked as director and general director on numerous other works, including ‘Nintama Rantaro,’ ‘Chibi Maruko-chan,’ and ‘Majime ni Fumajime Kaiketsu Zorori,’” nakasaad sa pahayag.


Dagdag nito, “All of us at the company express our heartfelt gratitude for the kindness and warm support you extended to us during your lifetime.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page