top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Walang lugar sa bansa ang droga, kriminalidad at korupsiyon!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 25, 2020
  • 2 min read

ni Bong Go - @Bisyo Magserbisyo | October 23, 2020



Kamakailan, dumalo ulit tayo sa hearing ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality para sa pag-update sa kaso ng mga sexual trafficking victims at sa nangyaring pastillas scheme sa Bureau of Immigration.


Matagal nang nabanggit na malaki ang kinalaman ng korupsiyon sa isyung ito dahil hanggang ngayon ay wala pa ring napapanagot para sa mga nasabing krimen. Nanawagan tayong sa pamunuan nitong mga ahensiya, lalo na ang National Bureau of Investigation, para kumilos nang mas mabilis at mahanap na ang mga masterminds nito.


Bukod sa NBI, nananawagan din tayo sa Bureau of Immigration na pagbutihin ang mga protocol sa mga ganitong isyu, lalo na at maraming kaso ay may kaugnayan sa mga bumibisitang dayuhan. Huwag ninyong kalimutan na mataas ang ekspektasyon sa inyo para labanan ang korupsiyon at tugisin ang mga sindikato sa inyong hanay.


Binanggit sa hearing na kung talagang may sangkot sa mga anomalyang naganap at nagaganap sa Bureau of Immigration, umamin na kayo’t harapin ang parusa.


Alam nating lahat na isa sa mga prayoridad ng administrasyon ay ang kampanya laban sa droga, kriminalidad at korupsiyon. Wala talagang lugar ang mga ito sa ating bansa. Nakalulungkot na ang isyu na sangkot ang mga sex trafficking victims ay konektado sa isyu ng korupsiyon sa mga ahensiya. Mahiya naman tayo sa mamamayan!


Huwag tayong matakot mag-imbestiga, usugin, mag-lifestyle check at ipakulong ang mga indibidwal na kasangkot sa mga krimeng ito. Nananawagan tayong muli sa lahat ng mga pinuno ng mga ahensiya na linisin ang inyong hanay para sa kabutihan ng lahat.


Nawa’y matapos na ang imbestigasyon at mapatunayan kung sino talaga ang may sala.


Isa lang naman talaga ang layunin natin dito—para sa katotohanan at para makapagserbisyo tayo ng husto sa kapwa nating Pilipino.

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page