Walang karapatang magkasal ang sinumang kinatawan ng mayor
- BULGAR
- Jul 17, 2021
- 1 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | July 17, 2021
Dear Chief Acosta,
Naloko ang isa naming kapitbahay ng taong itinalaga umano ng mayor bilang representative upang magkasal ng mga tagarito sa aming bayan. Nais na talaga nilang maikasal ng kanyang nobya sa lalong madaling panahon kaya’t napaniwala sila at naganap ang seremonya. Natuklasan nilang isa itong kasinungalingan at paglabag sa batas. Ano ang puwedeng isampang kaso roon sa impostor na representative? – Devin
Dear Devin,
Maaari ninyong ipaalam sa inyong kapitbahay ang tungkol sa Article 177 ng Revised Penal Code. Nakasaad dito ang mga sumusunod:
“Article 177. Usurpation of authority or official functions. – Any person who shall knowingly and falsely represent himself to be an officer, agent or representative of any department or agency of the Philippine Government or of any foreign government, or who, under pretense of official position, shall perform any act pertaining to any person in authority or public officer of the Philippine Government or any foreign government, or any agency thereof, without being lawfully entitled to do so, shall suffer the penalty of prision correccional in its minimum and medium periods.”
Samakatwid, ang pagpapanggap bilang kinatawan o representative ng mayor na may kapangyarihang magkasal ay paglabag sa nabanggit na batas. Kahit pa totoong siya ay kinatawan ng mayor, hindi pa rin maaaring italaga sa ibang tao ang mismong pagkakasal at ang mayor lamang dapat ang siyang gumawa nito at wala nang iba pa.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments