top of page

Walang “K” sa mana ng lolo ang illegitimate child na apo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 15, 2021
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 15, 2021



Dear Chief Acosta,

Ako ay illegitimate child ng aking ama at siya ay namatay last 2017. Makalipas ang isang taon ay yumao rin ang aking lolo na kanyang ama. Ang mana na naiwan ng aking lolo ay pinaghati-hatian ng kanyang tatlong (3) kapatid at ng kanilang ina. Hindi nila binigyan ng mana ang tatay ko kahit siya ay legitimate child ng aking lolo. Ang aking ama ay hindi nagka-asawa at ako lamang ang natitira niyang tagapagmana. May karapatan ba ako sa naiwang ari-arian ng aking ama, maging sa kanyang mana mula sa aking lolo? – Marlon


Dear Marlon,

Ang batas na sumasaklaw sa inyong katanungan ay ang Republic Act No. 386, o mas kilala bilang Civil Code of the Philippines. Nakasaad sa Sections 887 at 992 ng nasabing batas ang sumusunod:


Article 887. The following are compulsory heirs:


xxx xxx xxx


(5) Other illegitimate children referred to in article 287.


xxx xxx xxx


Article 992. An illegitimate child has no right to inherit ab intestato from the legitimate children and relatives of his father or mother; nor shall such children or relatives inherit in the same manner from the illegitimate child.” (Binigyang-diin)


Kaugnay nito, inilahad ng Korte Suprema sa en banc na desisyon nito sa kaso ng Diaz et al. vs. Intermediate Appellate Court and Jardin (G.R. No. L-66574, February 21, 1990) na:


“x x x Articles 902, 989, and 990 clearly speak of successional rights of illegitimate children, which rights are transmitted to their descendants upon their death. x x x The three named provisions are very clear on this matter. The right of representation is not available to illegitimate descendants of legitimate children in the inheritance of a legitimate grandparent. xxx” (Binigyang-diin)


Alinsunod sa mga nabanggit na probisyon ng batas, ikaw ay may karapatan sa naiwang ari-arian ng iyong ama sapagkat ikaw ay maituturing na compulsory heir. Subalit, nakasaad din sa batas na liban lamang kung mayroong last will and testament, ang illegitimate child ay walang karapatang magmana mula sa legitimate na anak o mga kamag-anak ng kanyang ama o ina, at ang mga nasabing kamag-anak ay walang karapatang magmana mula sa naiwang ari-arian ng nasabing illegitimate child. Samakatwid, bilang illegitimate child ng iyong ama na siyang legitimate child ng iyong lolo, ikaw ay walang karapatan sa mana na naiwan ng kanyang ama, o iyong lolo.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page