ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Oct. 15, 2024

Dear Chief Acosta,
Ako ay madalas manood ng mga video ng isang motorcycle vlogger sa social media. Karamihan sa mga napapanood ko sa vlogger na ito ay ang matulin niyang pagpapatakbo ng iba’t ibang uri ng mga motorsiklo sa mga pampublikong kalsada. Pinapakita niya kasi ang tulin ng kanyang pagmamaneho sa mga highway na madalas ay humihigit pa sa 140km/h. Minsan ay ibinalita niya sa isa niyang video na napadalhan siya ng sulat ng Land Transportation Office (LTO) patungkol sa reklamo sa kanyang paglabag sa batas trapiko kaugnay ng mabilis niyang pagpapatakbo ng motorsiklo.
Sinabi niya pa sa video na gagamitin niyang depensa rito ay ang paggawa niya lang ng kanyang trabaho bilang motor vlogger - na subukan ang hangganan ng tulin na kaya ng mga motorsiklo na kanyang ipinapakita. Matapos nito ay hindi na siya naglabas ng video na may kinalaman dito kaya hindi na namin alam ang nangyari.
Bilang kapwa nagmamaneho ng motorsiklo ay nais kong malaman kung maaari ba na gawing depensa ang pagiging motorcycle vlogger para makapagpatakbo rin ng matulin sa mga kalsada. Balak din kasi ng mga barkada ko na gumawa ng kahalintulad na video sa mga sarili naming motorsiklo para maipakita ang tulin ng aming mga motorsiklo ngunit ayaw naming makasuhan kung sakali. Sana ay mapayuhan ninyo kami tungkol dito. Maraming salamat sa inyong magiging payo.
— Sean
Dear Sean,
Bilang sagot sa iyong katanungan, sasangguni tayo sa Republic Act (R.A.) No. 4136, na pinamagatang “Land Transportation and Traffic Code”. Nilalaman ng batas na ito ang panuntunan sa pagtatakda ng tamang bilis ng pagpapatakbo ng mga sasakyan. Ayon sa batas na ito:
“Any person driving a motor vehicle on a highway shall drive the same at a careful and prudent speed, not greater nor less than is reasonable and proper, having due regard for the traffic, the width of the highway, and of any other condition then and there existing; and no person shall drive any motor vehicle upon a highway at such a speed as to endanger the life, limb and property of any person, nor at a speed greater than will permit him to bring the vehicle to a stop within the assured clear distance ahead.” (Sec. 35 (a), Article I, Chapter IV, RA 4136)
Comments