top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Mas mahigpit na batas kontra-mapanganib na online content

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 9
  • 2 min read

ni Kuya Win Gatchalian @Win Tayong Lahat | July 9, 2026



Win Tayong Lahat ni Win Gatchalian


Nitong nakaraang linggo, naghain ang inyong lingkod ng isang resolusyon, ang Proposed Senate Resolution No. 488, kung saan ipinasusuri natin ang pinsalang dulot ng online gaming platforms at social media sa ating mga kabataan. Kabilang sa mga nais nating ipasuri ang maaaring naging papel ng mga platapormang ito sa paglala at pagdami ng mga insidente ng karahasan sa ating mga paaralan.


Malinaw ang layunin natin sa paghahain ng resolusyong ito. Nais nating magrekomenda ng mga polisiya at mga panukalang batas upang protektahan ang mga batang Pilipino mula sa maaaring pinsala ng social media at online games, lalo na kung walang sapat na regulasyon sa paggamit nila ng mga platapormang ito.


Napapanahong suriin natin ito, lalo na’t sunud-sunod ang naging mga insidente ng karahasan sa ating mga paaralan. Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa ating mga alaala ang naging insidente ng pamamaril sa San Jose National High School sa Lungsod ng Tacloban, kung saan tatlong mag-aaral ang binawian ng buhay.


Ayon sa mga ulat ng pulis, na-expose ang isa sa mga suspek sa GoreBox, isang online game na nagpapakita ng labis na karahasan na kalauna’y pansamantalang ipina-block ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC). Hindi natin maaaring balewalain ang epekto ng walang kontrol na access sa social media at online games. Panahon nang suriin natin: sapat ba ang ating mga batas, polisiya, at mga programa upang protektahan ang ating mga kabataan?

 

Nitong nakaraang linggo, nabalitaan din natin ang isa pang insidente ng karahasan sa Cabaluay National High School sa Lungsod ng Zamboanga, kung saan hindi bababa sa dalawang mag-aaral ang nasugatan sa isang insidente ng pananaksak.

 

Sa pagdinig naman ng Senate Committee on Basic Education noong nakaraang taon, iniulat ng Department of Education (DepEd) na mayroong 103 insidente ng bullying ang nauwi sa karahasan mula November 24, 2022 hanggang April 7, 2025.

 

Patuloy na makikipagtulungan ang inyong lingkod sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, sa ating mga kasamahan sa Senado, gayundin sa iba’t ibang sektor, upang masugpo natin ang karahasan at matiyak na ligtas ang ating mga paaralan.


May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City

3 Comments


thomasdarborough
Jul 17

I decided to open the blog after seeing a recommendation online. This article immediately showed the quality of the available content. The author writes in an accessible but professional manner. I appreciated the original observations and realistic suggestions. The final summary tied everything together. I will certainly read more posts.

Like

peterangus
Jul 17

The valuable insights in this article make it more than a basic overview. The author examines the wider meaning of the topic. I liked how complex ideas were explained in simple language. The examples made the discussion more relevant. The conclusion brought the article to a natural end. This website deserves more attention.

Like

peterangus
Jul 16

This piece did a great job of laying out the subject methodically, almost like a proper course outline. The author avoided unnecessary tangents, keeping focus squarely on what readers actually need to know here. That kind of organization is genuinely valuable for a resource meant to be revisited. Thanks for such a methodically organized and genuinely useful piece.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page