top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Walang commercials… WILYONARYO NI WILLIE, BABU NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 29
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 29, 2026



Willie Revillame - Wilyonaryo FB

Photo: Willie Revillame - Wilyonaryo FB



Noong Lunes, mismong si Willie Revillame ang nag-announce at nagkumpirma na ang programang Wilyonaryo ay hanggang May 15 na lamang eere at mapapanood online. Nagpakatotoo siya sa kanyang pag-amin sa dahilan kung bakit tatapusin na ang show.


Wala raw pumapasok na commercials dahil may involved na gaming sa show.

Ganunpaman, inaayos na raw niya ang lahat upang muling magbalik ang dati niyang programang Wowowin


Sa isang comeback teaser, ipinakita ni Willie na tila may pahiwatig na sa GMA Network ito magbabalik. Nasa background kasi ang GMA Network Studio habang ipinakikita ang lumang video clips ng Wowowin noon na may mahabang pila ng mga manonood ng show.


Taong 2015 nang umere sa GMA-7 ang Wowowin. Na-miss ni Revillame ang mga suki niyang senior citizens. 


Well, aabangan na lang ng lahat kung saang time slot ilalagay ang Wowowin kung sakaling ito ay magbabalik sa Kapuso Network.





Todo-gamit ng pangalan para may mag-book…

RESORT NINA ANGGE AT GREGG, GINAGAMIT NG MGA SCAMMERS



MAY panawagan sina Angelica Panganiban at Gregg Homan sa lahat na huwag basta maniwala sa sinuman na gumagamit ng pangalan ng kanilang resort sa Subic, ang Mangrove Resort Hotel, upang pagkakitaan. 


Nakarating sa kanila na may mga taong inaalok ang kanilang resort sa mga local at foreign tourists na gustong mag-resort. Humihingi raw sila agad ng down payment sa mga taong gustong mag-book.


Ayon kina Gregg at Angelica, wala silang ahente na binigyan nila ng permiso na iparenta ang kanilang resort sa Subic. Kaya pinag-iingat nila ang lahat sa mga scammers. Sila lamang ang dapat kausapin.


Samantala, nag-e-enjoy si Angelica Panganiban sa kanilang bonding time ng kanyang anak na si Amila. Habang lumalaki ay lalong naging bibo at smart ang kanyang tisay na anak. At hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Angge na magkakaanak siya ng blondie at blue-eyed pa. 


Wala na nga siyang mahihiling pa dahil lahat ng kanyang dasal ay ibinigay ng Diyos.





After ng movie…

DONNY AT BELLE, HIWALAY NA



IKINALULUNGKOT ng mga fans nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang kanilang paghihiwalay bilang love team. Pagkatapos na maipalabas ang pelikula nilang Tayo Sa Wakas (TSW), ipapahinga muna ang kanilang tambalan upang makapag-concentrate sa kani-kanilang solo career.


Para sa mga nagmamalasakit sa DonBelle, tama lang ang desisyon dahil nasa tamang edad na sila upang tumanggap ng seryoso at mature na roles sa pelikula at telebisyon.


Hindi na sila mga bagets upang makahon sa love team formula. Kailangan na mag-level-up ang kanilang showbiz career at dapat itong tanggapin ng mga DonBelle fans.


Well, kailangan din na ma-experience nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang tumambal sa ibang artista upang hindi sila pagsawaan ng publiko. Kaya dapat suportahan ng DonBelle fans ang kanilang mga projects, kahit sino pa ang ipareha sa kanila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page