Walang bisa ang mga pinagsamang habilin
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 12, 2021
Dear Chief Acosta,
Natagpuan ko ang dokumento na nagsisilbing huling habilin at testamento ng aming namatay na mga magulang. Nais kong ipatupad ang pinagsamang habilin, ngunit tinutulan ito ng aking nakatatandang kapatid dahil ito diumano ay walang bisa. May bisa ba ang pinagsamang habilin ng aking mga magulang? – Tom
Dear Tom,
Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa Article 818 ng “Civil Code of the Philippines,” kung saan nakasaad na:
“Art. 818. Two or more persons cannot make a will jointly, or in the same instrument, either for their reciprocal benefit or for the benefit of a third person.”
Ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, ang dalawa o higit pang mga tao ay hindi maaaring gumawa ng pinagsamang habilin o sa parehong instrumento, alinman para sa kanilang kapalit na pakinabang o para sa pakinabang ng ibang tao. Samakatwid, walang bisa ang pinagsamang habilin ng ng inyong mga magulang dahil ito ay ipinagbabawal ng batas.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments