Filni Angela Fernando - Trainee @News | November 4, 2023
Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), wala silang nakikitang banta sa seguridad ng bansa sa kabila ng umano'y planong gulo at banta sa kapayapaan na idinidikit sa mga retiradong sundalo upang alisin sa puwesto si Pangulo Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., ngayong Sabado.
"Wala kaming nakikitang gano'n. There is no credible threat to our security," ani ng tagapagsalita ng AFP na si Col. Medel Aguilar.
Hinikayat naman ni AFP Chief General Romeo Brawner Jr. na umiwas ang mga kasalukuyang nasa serbisyo sa mga diskusyon ng gulo na sinasabing plano ng mga retiradong sundalo nang siya'y namuno sa seremonya ng pagpapalit ng komando at hepe ng tanggapan ng Western Mindanao Command (WestMinCom) at Inspector General (IG) sa Camp Navarro sa Zamboanga City nu'ng Biyernes, Nobyemre 3.
Ito ay matapos pumutok ang inilahad ni Brawner sa destabilisasyong pinaplano umano ng mga dating sundalo sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Saad ni Aguilar, nagkamali lang ng pagkakasabi si Brawner sa kanyang pahayag.
Dagdag niya, pinaalalahanan din ni Brawner ang AFP na manatiling tapat sa kanilang paglilingkod sa bayan.
Comments