top of page
Search

by Info @ News | December 7, 2025



PBBM at militar - AFP

Photo: AFP / FB



Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines na hindi dahil sa posibilidad na magkaroon ng kudeta laban sa gobyerno ang pagtaas ng sahod at allowance ng kanilang mga miyembro kasunod ng mga kumakalat na pahayag tungkol dito.


Ayon sa AFP, ang pagtataas ng allowance at sahod ng mga Military Uniformed Personnel (MUP) ay bilang tugon sa kasalukuyang kondisyon ng ekonomiya sa bansa.


Idinagdag din nila na, “[This is to] reinforce a strong culture of discipline, competence, and dedication across the uniformed services.”

 
 

ni Eli San Miguel @News | June 21, 2024



Showbiz news

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines na apat na Chinese navy warships ang naispatan 12 nautical miles mula sa Balabac Strait sa Palawan.


Nakita ang mga barko dalawang araw matapos na umatake ang Chinese Coast Guard (CCG) sa mga Pilipino na nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.


Pito sa mga sundalong Pilipino ang nasaktan, kabilang na ang isang nawalan ng hinlalaki sa kamay. Sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs, tinutulan ng Pilipinas ang mga ilegal at agresibong aksyon ng mga otoridad ng China na nagresulta sa pinsalang pisikal sa mga tauhan at pagkasira ng sasakyang pandagat.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 25, 2024



File photo

Nag-conduct ang 'Pinas, United States at France ng isang multilateral maritime exercise sa West Philippine Sea bilang bahagi ng Balikatan 2024.


“As we speak, nagse-set sail na po 'yung mga barko natin (our ships are already setting sail), from here sa Puerto Princesa,” saad ng Armed Forces of the Philippines’ (AFP) Western Command (Wescom) spokesperson Captain na si Ariel Coloma.


Nagtungo mula sa Palawan ang BRP Ramon Alcaraz ng Philippine Navy, isang offshore patrol vessel, at ang BRP Davao del Sur, isang Landing Platform Dock — ang Marine Nationale (French Navy) frigate na FS Vendémiaire at ang US Navy amphibious warfare ship na USS Harpers Ferry na ilan sa mga lumahok na warship, ayon kay Coloma.


Kinumpirma rin ni Coloma na mag-uumpisa agad ang mga ito pagdating sa eastern coast ng Palawan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page