top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sinungaling, abusado, korup, problema ng bayan... Sara kay BBM: Resign, lumayas ka na!

Writer: BULGAR
BULGAR
1 day ago
1 min read

ni Mervin Reyes @News | September 12, 2026



Sara Duterte at Bongbong Marcos - FB

Photo: Sinalubong mga hiyawan ng mga taga-suporta ni Vice President Sara Duterte nang dumating ito sa Quezon City Justice Hall para dumalo sa kanyang arraignment sa RTC Branch 98, subalit ito ay ipinagpaliban ng naturang korte. (Jeff Tumbado) 



Nanawagan si Vice President Sara Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbitiw na sa puwesto, sa isang rally sa Quezon City Hall kahapon, matapos ang kanyang ipinagpalibang arraignment sa kasong grave threats.


“Patuloy tayong manawagan ng paglayas ng problema ng ating bayan na ang pangalan ay Bongbong Marcos. Resign, umalis ka diyan. Sinungaling ka, abusado ka, korup ka. Wala siyang utang na loob sa taumbayan. Wala siyang utang na loob sa lahat ng pumunta ng presinto para iluklok siya sa puwesto,” ani Duterte sa kanyang mga tagasuporta.


Hinimok din ang kanyang mga tagasuporta na patuloy na lumaban sa mga “abusado,” “adik” at “korup”.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page