top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Wala raw magbabago… HIRIT NI ROBIN: SEN. BONG GO, ALA-P-DU30 'PAG NAGING PANGULO

BULGAR
Oct 6, 2021
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 06, 2021



Naglabas ng saloobin si Robin Padilla pagkatapos mag-file ng candidacy bilang vice-presidentiable si Senador Bong Go at pag-anunsiyo ni Presidente Rodrigo Duterte na magpapahinga na siya sa pulitika sa 2022.


Knows naman ng marami na supporter ni P-Digong at malapit na kaibigan ni Sen. Go si Robin.

Nalungkot at natulala raw si Robin nu’ng malamang naghain ng kandidatura sa pagka-bise- presidente si Sen. Bong Go at hindi pagka-presidente gaya ng inaasahan ng mister ni Mariel Rodriguez.


Sa kanyang latest Instagram post ay ini-reveal din ni Robin na isa siya sa mga nagpu-push na tumakbong presidente ang kanyang kaibigang senador.


“Aaminin ko sa inyo, mga mahal kong kababayan at tagasunod, isa ako sa mga nagsusulong na tumakbo bilang presidente si Senator Bong Go at si Mayor PRRD ang vice-president. Inilaban ko 'yan sa kuwadrado ng aming lupon, ipinilit ko hanggang sa huling sandali bago tuluyan na nagretiro si Mayor PRRD at si Senator Bong Go naman ay pumalit sa kanya,” pagbubulgar ni Robin.


Pagpapatuloy pa ng action star, “Nalungkot ako at natulala sa naganap dahil gumuho ang mga pagbabagong pangarap ko para sa Inangbayan. Aminin man natin o hindi, napakaraming nagawa ng 5 taong administration ni Mayor PRRD at sa 2 taon ni Senator Bong Go sa Senado.


“Nararamdaman ng mga tao na bumaba ang gobyerno sa abot nitong makakaya hanggang sa mga malalayo at liblib na lugar at kung may mga pagkukulang man ay hindi ito dulot ng hindi nila pagganap sa kanilang tungkulin kundi dulot ng pananalanta ng pandemya at ng maruming pulitika.


“Naniniwala akong sa pamamagitan at sa katauhan ni Senator Bong Go ay parang hindi rin tayo iniwan ni Mayor PRRD. 'And'yan pa rin s'ya na nagpapayo at nagtuturo kay Senator Bong Go kung paano haharapin ang mga crisis na darating sa Inangbayan.

“Magsisilbing tatay si PRRD ng pangalawang tatay ng Inangbayan.


“The best adviser a vice-president can ever get. Action man kasi si Mayor kaya nasanay na rin si SBG na kahit nakapikit ay nagseserbisyo.”


So, there.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page