top of page
WINNER - BINI, INIAAHON ANG ABS-CBN SA PAGKALUGI-IG _BINI_PH.jpg

Wala raw kupas ang bibig sa pagbabalik-hosting… MGA HIRIT NI KRIS, BENTANG-BENTA PA RIN SA MGA FANS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 hours ago
  • 3 min read

ni Rohn Romulo @Run Wild | August 20, 2026



RUN WILD - MGA HIRIT NI KRIS, BENTANG-BENTA PA RIN SA MGA FANS-Netflix PH

Photo: Netflix PH



Marami talaga ang aliw na aliw sa pagbabalik ni Queen of All Media Kris Aquino sa pamamagitan ng 3-part promotional campaign ng Netflix Philippines.


Sa three episodes ng C.H.I.K.A. o Chief Head of Insight and Kontent Analysis, muling nasilayan ang trademark ng nag-iisang Kris Aquino, kung saan milyun-milyon na ang nakuhang views nito.


Ang pinag-usapang first episode ay may 7 million views at ang Part 2 naman na in-upload last week ay naka-6.5M views na sa YouTube (YT) channel ng Netflix PH. At ang Episode 3 na lumabas sa kasagsagan ng habagat ay naka-1M views agad after a few hours. As of this writing, pumalo na ito ng 1.7M views.


Dahil nga tuwang-tuwa ang madlang pipol sa mga hirit ni Kris, may nagtanong kung scripted ba ang napanood sa tatlong episodes.


Comment naman ng isang netizen, “I doubt this was scripted. I believe, real talk lang s’ya.”

Sinagot naman ito ni Kris ng “That’s how good GIGIL is, merong scripted and maraming written by yours truly.”


Naaliw din kami sa dulo ng Episode 2 kung saan lumindol at nag-brownout pa, kaya ang nakakalokang sabi niya, “Mabe-vertigo na ‘ko. What’s this? Nawala pa ‘yung kuryente? Hay, naku! Let’s just go home.”


Comment pa ng isa, “Dapat sumigaw s’ya katulad nu’ng sa Feng Shui.”

May mga pumuri naman kay Kris.


“Sobrang iconic ang boses n’ya.”


“Nagkasakit na’t lahat-lahat pero buong-buo pa rin ang ganda. Walang kupas.”

“Sobrang nakaka-happy makita ulit si Krissy.”


“Iba ka talaga, Ms. Kris. Sana, magka-talk show ka ulit but more on the politics side.”

Samantala, sa third and final episode, for sure ay pag-uusapan din ang comment niya kay Piolo Pascual, na guwapung-guwapo siya rito habang ine-edit ang isang eksena sa Manila’s Finest (MF).


Parang kilig na kilig niyang sinabi kay Papa P, “My goodness, date tayo,” at sabay tawa.

Reaction naman ng mga netizens…


“Feeling ko, real talaga ‘yung sinabi ni Madam Kris Aquino kay Papa P.. Hahaha!”

“Nagpi-feeling lang. Hahaha! Nakakatuwa si Kris, nakaka-happy despite all the rains and baha around.”


At sa dulo, tinanong niya ang bagong bestie na si Earljohn (editor) kung marunong ba itong mag-zipline. Mukhang may pa-cliffhanger at posible pa kayang madugtungan?


Kaya sey pa ng mga netizens:


“We need a series for this.”

“I was smiling all throughout this mini-series. Thank you, Netflix, for bringing Kris Aquino back!”


Well, dahil sa bonggang-bonggang response ng mga netizens, abangers na lang tayo kung magga-grant ba ang wishes natin.


And of course, let’s keep praying for her complete recovery.





LABIS na nagpapasalamat si Cong. Arjo Atayde dahil kasama siya at pang-8 sa Ten Outstanding Legislators.


Post niya, “Maraming salamat po sa Gawad Pilipino Awards sa karangalang mapabilang sa TOL – Ten Outstanding Legislators – Congressmen in the Philippines 2026!


“Ang parangal na ito ay ‘di lamang pagkilala, kundi dagdag-inspirasyon para mas patuloy nating pagbutihin ang ating serbisyo para sa ating mga kababayan, lalo na sa ating mga mahal na taga-District 1.


“Lahat ng effort, oras at serbisyo natin, ginagawa natin para may maibahagi at may magandang pagbabago sa buhay ng ating mga kababayan.


“Congratulations din sa lahat ng congressmen na napabilang sa TOL 2026! Honored and grateful to share this recognition with all of you!”


Samantala, tuluy-tuloy ang pagtulong nila sa nasasakupang distrito, lalo na sa mga nabiktima ng matinding pagbaha.


Paalala niya, “Mga kadistrito, patuloy po tayong maging alerto at alisto! Kasama po kami sa inyong pag-antabay sa pinakabagong mga balita at reports, upang masigurado ang kaligtasan ng lahat.”


Dagdag pa ni Arjo, “Taos-pusong pasasalamat din sa mga kababayan nating tumutulong at nakikipagbayanihan para sa kapakanan ng mga apektado, lalo na sa mga nakiisa sa ating naganap na food drive sa mga sumusunod na barangay: Bagong Pagasa, Project 6, Katipunan, San Antonio, Paltok, Damayan, Paraiso, Del Monte, Talayan, Masambong, Mariblo, Manresa, Balingasa, atbp..


“Sa maliit o malaki mang paraan, magsama-sama po tayo sa pagbibigay-serbisyo sa ating mga kadistrito. Patuloy po tayong mag-ingat.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page