top of page
Search

ni Rohn Romulo @Run Wild | May 4, 2025



Photo: Dingdong Dantes at Ricky Davao - FB Dingdong Dantes


Nagbigay-pugay si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa pumanaw na actor-director na si Ricky Davao, na naging malapit sa kanya.


Nagkasama sila noon sa seryeng Alternate kung saan gumanap silang mag-ama, habang nanay naman ni Dingdong ang ex-wife ni Ricky na si Jackie Lou Blanco.


Sa kanyang latest post sa Facebook (FB), ibinahagi ni Dingdong ang photos nila ni Ricky, at pati ni Jackie Lou.


Panimula niya sa mahabang post, “There are people you meet in this industry whom you admire from afar long before you get the chance to shake their hand. For me, Ricky Davao was one of them.


“I would spot him at parties, events, and industry gatherings—and almost without fail, he’d find his way to the stage. Not to grab attention, but to give joy. One song in, and the entire room would shift. All eyes on him. All ears tuned in. And just like that, he owned the moment.”

Ang signature smile ni Ricky ang isa sa mga tumatak kay Dingdong, bukod sa kung paano nito binibigyang-buhay at saya ang paligid sa kanyang mga performance sa mga parties.


“From those small stages of casual gatherings to the big screens of film and television, Tito Ricky brought something rare: a blend of brilliance, warmth, and generosity,” ani Dingdong.

Inalala ni Dingdong ang mga naging bonding moments nila ni Ricky sa taping at ang mga words of wisdom na nai-share nito sa kanya tungkol sa buhay-buhay.

Pinuri rin niya ang aktor sa pagiging mahusay na direktor.


“On screen, he was incredibly precise. His director’s eye never left him. He hit marks perfectly, took notes gracefully, and always gave his scene partners something real to work with. His performances were consistent, deep, and alive.” 


Sa pagtatapos ng tribute niya sa isa sa mga hinahangaang aktor, ani Dingdong, “He exits the stage now, not with finality, but with grace. Leaving behind echoes of music, traces of masterful performances, the warmth of his fatherly ways, and the kind of good vibes that linger long after the last song has been sung.


“Maraming salamat, Tito Ricky. You made our industry, our work, and our lives richer. This curtain call is not goodbye. It’s simply our standing ovation. (three clapping hands emoji) #RickyDavao.”


Pagtatapos niya, “May you rest in paradise, Direk Ricky!”



MULING ihahatid ng Yllana Racing, in partnership with Okada Manila, ang isa sa most anticipated racing events sa bansa, ang Okada Manila Motorsport Carnivale 2025, na magsisimula na ngayong Linggo, May 4 sa Parañaque City.

Ang racing action ay gaganapin sa Boardwalk and Gardens, ang seaside area sa labas ng Okada Manila. 


Magsisimula ang aksiyon ng Super Sprint ng 6 AM at tatagal hanggang 6 PM, at susundan ng Grand Car Meet: Legends of the ‘90s ng 7 PM.


Magpapatuloy ang event sa May 31, na kung saan matutunghayan naman ang Jom’s Cup, ang 1/8-mile drag racing challenge. Aasahan ang intense na labanan sa Super Cars, Muscle Cars, at Vintage Cars.


“I remember announcing way back 2023 that we are going to wake up a sleeping giant. Now the giant is awake. Gising na gising s’ya, gutom na gutom at uhaw na uhaw.

“Gusto natin ibalik ‘yung mga karera in the heart of Metro Manila. So I welcome everyone to Motorsport Carnivale 2.0!” mahabang pahayag ni Jomari Yllana, president ng Yllana Racing at long-time motorsport advocate.


Hindi nga bago si Jom sa naturang sport, dahil nanalo at placer siya sa several local races. Matatandaan na siya rin ang first Filipino podium finisher sa 2014 Yeongam International Circuit na ginanap sa South Korea.


Patuloy siyang kumakarera bilang principal driver ng pro team Yllana Racing.

Ang Motorsport Carnivale ay inspired by the glory days of Philippine motorsports, kasama rito ang Philippine Grand Prix na ginanap sa Manila from 1973 to 1976, a series known for its prestige and grandeur.


Pinangungunahan din ang event ni Rikki Dy-Liacco, na respected champion racer at Head of Motorsports at the Automobile Association Philippines (AAP). Siya rin ang official representative ng bansa sa Fédération Internationale de l’Automobile (FIA).


Dinala ni Dy-Liacco ang international racing standards and experience, nagsilbi siyang race steward sa elite global events, kasama rito ang 24 Hours of Le Mans, GT World Challenge Asia, Formula 4 Middle East, at ang Macau Grand Prix.

 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | Mar. 9, 2025



Photo: Ivana Alawi


Single na single pa rin daw si Ivana Alawi hanggang ngayon dahil wala raw siyang time na harapin ang kanyang love life.  


“Wala nga akong time sa sarili ko, kahit nga sa family ko, minsan hindi kami nagkakasabay kumain,” pag-amin ng aktres at sikat na vlogger sa naganap na thanksgiving party niya para sa entertainment media sa Vinta Modern Cantina sa Quezon City.


“This year, mas magiging busy ako, meron akong teleserye at movies din. So, paano talaga ako magkakaroon ng time sa love life, ‘di ba? Bahala na sila, saka na lang ‘yun, kaya work muna.


“Busy pa rin ako sa content creation, pagbibigay ng tulong. ‘Yun talaga ang nasa utak ko, tumulong muna bago ako mag-focus sa pag-ibig.


“Pero meron namang pasulyap-sulyap na date,” dagdag pa niya.

Twenty-eight years old na pala ngayon si Ivana at pagdating daw niya ng edad 30 ay gusto na niyang magkapamilya.


Sey niya, “Sa ‘kin lang ito, ha, hindi ko sinasabi para sa lahat. Feeling ko, ‘pag mga 30 na ako, I think it’s time for myself and start focusing on love and family.”


Natanong din si Ivana tungkol sa health crisis na kanyang pinagdaanan last year. Nagkaroon siya ng problem sa ovaries na naging dahilan para magkaroon ng fluid build-up sa abdomen niya. Meron din siyang PCOS at naospital siya ng ilang araw.


Kuwento niya, “It took a month to recover, bawal kumilos, bawal mag-gym, kaya siguro medyo nagkalaman ako. Wala naman akong pakialam kung tumaba ako, basta healthy, ‘yun ang importante sa ‘kin.


“Pero ngayon, okey na okey na ako, wala na akong sakit.”


Na-realize raw niya na, “Lahat ng material, lahat ng pera, mga bag mo, hindi mo masasama ‘yun ‘pag kinuha ka na ni Lord. Kaya dapat magpakasaya ka sa buhay mo, i-enjoy mo and surround yourself with your loved ones.”


May inamin din si Ivana na may matutupad na pangarap niya sa darating na mga araw.

“May isa akong pangarap na maa-achieve ko very, very soon,” sabi ng sexy actress.


Pagbubulgar pa niya, “Pangarap ko s’ya dati pa noong bata pa ako, so, siguro ‘yun pa lang. Siyempre, ang next kong pangarap ay makabuo ng pamilya at maging housewife, so, hindi pa natutupad ‘yun.


“Pero ito, matutupad na at malalaman naman ninyo agad ‘yun this month.”

Naloka rin siya sa fake news na baka may cancer siya.


 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | Mar. 5, 2025



Photo: Alex Gonzaga - Pinoy History - FB, IG


Nakakaaliw ang naging hirit ni Alex Gonzaga sa inilabas sa page ng Pinoy History sa Facebook (FB) para sa TOP 25 MOST BEAUTIFUL VLOGGERS (MOST ADMIRED VLOGGERS 2024). 


Pasok sa Top 10 sina Jenela in Japan (1), Sachzna Laparan (2), Ivana Alawi (3), Shaha Meta (4), Bangus Girl (5), Queenay Mercado (6), Carla Albeus Topular of JomCar (7), Maureen Dejillo (8), Dr. Krizzle Luna (9), at Petra Mahalimuyak /Ashley Rivera (10).

Komento ng aktres/vlogger, “SO DITO KAHIT PANG-26th ‘DI MO MAN LANG AKO NA-CONSIDER! Kahit saling ketket na lang, oh.” 


Sagot naman ng Pinoy History, “Sorry, Ma’am Alex.”


Kasunod nito, ginawan na siya ng art card na pasok na siya sa pang-26th, at mababasa rin ang iba pa niyang achievements bilang sikat na digital creator na may 13 million plus followers. 


Paliwanag ng Pinoy History sa kanilang FB post, “Paumanhin po, Ma’am Alex Gonzaga. Heto na po, ‘wag na pong magtampo! 


“Note: Dahil po sa kakulangan ng espasyo sa aming ginawang Art Card, hindi naisama si Ms. Alex Gonzaga sa Top Most Beautiful Vloggers 2024 dahil siya ay pang-26th, humihingi po ng

dispensa ang pamunuan ng Pinoy History.”


Dagdag na komento pa nila, “Salamat po sa pag-unawa, Ma’am. We love you.”

Sagot ni Alex, “Pinoy History, next time, alam n’yo na isama n’yo ko sa cut off.”


Sumang-ayon naman ang mga netizens, na dapat daw kasama si Alex sa Top 25, dahil sa totoo lang, maganda rin naman siya. Nakakaaliw at talagang matataas ang views ng mga videos na kanyang ina-upload.



PINUSUAN naman ng mga netizens ang Facebook (FB) at Instagram (IG) post ni Sylvia Sanchez tungkol sa kanyang daughter-in-law na si Maine Mendoza na nag-celebrate ng kanyang 30th birthday nitong March 3. 


Makikita ang videos at photos ng mga kaganapan kasama si Maine at ang pamilya Atayde. 


Caption ni Sylvia (as is): “Dalawang Birthday’s mo na Maine na kasama ka namin mula ng namanhikan si Arjo sa iyo kasama ng buong pamilya. Maraming maraming Birthday mo pa ang pagsasaluhan natin @mainedcm. 


“Mahal ka namin ng Daddybee mo at ng buong Pamilya!!! At habangbuhay na kayong magkukulitan ni Daddybee. Ang saya saya ng araw na to!!! 


“Maligayang kaarawan, nak!”


Reply naman ni Maine, “Thank you, ma! Love you.”


“Welcome and love you mucho, nak,” sagot naman ni Ibyang.


Sobrang saya nga ng 30th birthday party ni Maine, and malay natin, next year, baka may baby na sila ni Cong. Arjo Atayde. 


Anyway, ang ganda naman ng regalong painting ni Joey de Leon na ipinost nito sa IG, isang clown na makulay ang buhok at naka-polka dots na damit.


“This is my gift to the Birthday Girl Maine—a self-portrait with a touch of Yaya Dub (polka dots),” sabi ni Joey. 


Dagdag pa ni Henyo Master, “Thanks, Menggay for the happy and funny ten years as a Dabarkads! (red balloon emoji) @mainedcm.”


Reply ni Maine, “Thank you, Boss Joey! Love you (heart emoji).”

For sure, isa ito sa mga paintings na ite-treasure ng actress-TV host.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page