GELLI, SUMAWSAW SA ISYU NINA JENNYLYN AT PATRICK, DUROG SA NETIZENS

ni Julie Bonifacio @Winner | October 4, 2026

Photo: Gelli de Belen / FB GTV Screengrab
Trending ang naging pahayag ni Gelli de Belen sa isyu nina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado.
Nagsalita ang aktres when asked sa guesting niya sa online show ng GMA TV (GTV) na Chika Cart.
Feeling ng mga netizens ay nagpakita ng pagkampi si Gelli sa kampo ni Patrick more than kay Jennylyn na kapwa niya ina, kaya binira agad siya ng mga netizens.
Pahayag ni Gelli, “Kampi ako sa mga bata (Jazz and Michelle). I just want to reiterate na everything I said is out of concern for the children, because the parents are okay, they’re fine, they’re thriving, they’re happy in their own relationships. They’re good to go. The kids, they have to deal with this.
“Whatever is coming out, kung ano man ang sinasabi ng mga tao sa kanila… ‘yung mga bata ang magdadala n’yan. ‘Yun ang ‘di okay.
“At least ‘yung mga magulang, they can handle things; they know they’ve been through it. Happy na sila with their significant other, okay na sila. ‘Yung mga bata ang kawawa. Let’s try to be kind.”
Ayon sa Chika Cart, malinaw naman daw sa pahayag ni Gelli na ang concern niya ay ang anak nina Patrick at Jennylyn na si Jazz at si Michelle na panganay naman ni Patrick kay Nikka Garcia.
Sa kabila nito, dinagsa ng batikos si Gelli sa comment section:
“You probably did not watch Patrick’s interview. Ang sole purpose ay sirain si Jen. Sobrang malicious ng intention. Mentioned about a politician, an actor, that Jazz was named after another man, and that Jen had another BF while pregnant. Don’t expect @dennistrillo to keep quiet. We’re happy he didn’t.”
“Ms. @gellidebelen with all due respect po, he could have protected his child without dragging his other child into it. And what hurts even more is that Jazz is a child with special needs - he can’t even protect himself from his own father.”
“Sawsaw pa more kasi.”
Tsk.
Parehong atleta, isini-ship sa isa’t isa…
ALEX EALA, DINALAW NI EJ OBIENA, FANS TODO-KILIG
KINILIG ang mga faney nina Alex Eala at EJ Obiena, hindi lang sa sports world kundi pati sa showbiz.
Kumalat kasi sa social media ang mga larawan ng pagdalaw ni EJ kay Alex sa tennis court sa Japan, kung saan naganap ang Asian Games 2026.
Nakakuha ng gold medal si EJ sa sport na pole vaulting, habang bronze naman ang napanalunan ni Alex sa tennis.
Well, sinadya talaga ni EJ si Alex sa tennis court. May mga tsika kami na nabasa sa comment section na matagal na raw magkaibigan ang pamilya ng dalawa.
May mga nagsi-ship na maging partner ang sports hero natin, as in relasyon, huh?
Sey ng mga netizens:
“Love is in the air. Cupid. Make it happen.”
“Bagay. Hahaha!”
“I-ship na ‘yan.”
“Aside from being a good athlete, bagay din po sila!”
Pero ayon sa mga mas tsismosa pa sa amin sa online, may girlfriend na raw si EJ. Matagal na raw sila. May nagsasabi na German ang nationality nito pero sey ng iba, Italian daw.
Anyway, nag-collab din sina Alex at EJ para sa TikTok. Ini-lip-sync nila ang kanta ng Parokya Ni Edgar na Akala.
“Akala mo medal flex lang? May bagong duo pala,” sey sa Instagram (IG).
Wow!





Comments