top of page
BIDA - DENNIS KAY GELLI- SISIHIN MO ‘YUNG NAGSIMULA NG GULO_IG _dennistrillo & _gellidebel

It’s Showtime host, nadale… VICE, GINAWAN NG VIDEO NA PARA KAY RENE BATERBONIA, ILANG NETIZENS, GALIT NA GALIT

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
2 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | October 4, 2026



TALKIES - VICE, GINAWAN NG VIDEO NA PARA KAY RENE BATERBONIA, ILANG NETIZENS, GALIT NA GALIT_FB Circulated

Photo: FB / Circulated / It's Showtime



Nag-viral ang isang edited clip kung saan makikitang naka-pose na parang estatwa si Vice Ganda sa isang episode ng It’s Showtime (IS).


Sa orihinal na video, bahagi lamang ito ng isang segment kung saan kailangang mag-freeze ang mga hosts at magkunwaring mannequin kapag tumitigil ang tugtog.


Pero may nag-edit ng clip at nilagyan ng kantang para sa yumaong basketball player na si Rene Baterbonia. Dahil dito, may ilang nakatatandang fans na agad naniwala sa kumakalat na video at nag-react nang galit.


Nagbahagi naman ng saloobin si Vice tungkol sa nasabing viral clip.

Ani Vice, “Oh, ‘yung mga gumagawa na naman d’yan ng content... Ang dami na namang naniwala agad, galit na galit na naman ‘yung mga tao.


“Nakita ko, sabi ko, ‘Hala ka, may nag-edit, tapos may naglagay nu’ng music.’ Naniwala naman ‘yung… Bahala kayo r’yan, magkagulo kayong mga naniwala.”


Komento naman ng mga co-hosts ni Vice, “Dapat alamin muna ang istorya... Wala tayong magagawa sa mga gumagawa ng fake news, du’n na lang sa mga manonood.”


Ani Vice, “Kung hindi n’yo mapipigilan ang fake news, mga clout chasers, mga ragebaiters, mako-control n’yo ‘yung reaction n’yo, (by) fact-checking.”


Well, big tumpak ka r’yan, Vice. Huwag basta-basta maniwala sa fake news, mga madlang people.





Kinumpirma ng ina… 

PELIKULA NG BUHAY NI RENE BATERBONIA, TULOY NA



TULOY daw ang pelikula ng buhay ni Rene Baterbonia, ayon sa ina niyang si Rovelyn na nagbahagi sa kanyang social media ng larawan nila ng aktor-pulitiko na si Sen. Robin Padilla kasama ang misis nitong si Mariel Rodriguez.


Sa kanyang post, ibinahagi ni Rovelyn na malapit nang maipalabas ang pelikula tungkol sa buhay ng kanyang yumaong anak.


Ani Rovelyn, “Thank you, Lord, malapit na ring maipalabas ang aming pelikula. Salamat, Sen. Robin Padilla at sa kanyang asawa at kay BB Gandanghari.”


Dagdag pa niya, marami ang nagtatanong kung sino’ng artista ang gaganap sa kanilang pelikula.


“Maraming nagtatanong kung sino’ng artista ang gaganap sa aming pelikula. Hintayin n’yo na lang kasi para sa amin, kahit sino. Ang importante, maipalabas namin ang pelikula ng anak ko,” saad ni Rovelyn.





NAGPAABOT ng birthday message ang aktor-senador na si Bong Revilla para sa kanyang anak na si Atty. Inah Revilla-Del Rosario.


Sa kanyang post, pinasalamatan ni Bong ang anak sa walang sawang suporta at pagmamahal nito sa kanya.


Aniya, “Happy birthday sa aming pinakamamahal na abogada, ang aming anak na si Atty. Inah!


“Beyond all your accomplishments, I want to say a heartfelt thank you for all that you do for me, anak. Napakalaking biyaya ang walang sawang pagsuporta at pagpapadama mo ng pagmamahal.


“May God always guide you and bless you, our dear Atty.. Nawa’y mas marami ka pang mapagtagumpayan sa buhay.

“Love you, my Atty. Inah!”


Anyway, happy birthday, Atty. Inah! More blessings to come!

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page