top of page
Search

ni Rohn Romulo @Run Wild | October 1, 2025



Rhian Ramos - IG

Photo: Kristine Hermosa-Sotto - IG


Sa edad na 42 at may anim na anak, parang hindi pa rin nagbabago ang kagandahan ni Kristine Hermosa-Sotto.


At sa tuwing may survey, kasama palagi siya sa listahan ng pinakamagagandang aktres sa Pilipinas at palagi siyang nagta-top, habang kasama rin si Marian Rivera-Dantes (41) na may dalawang anak naman.


Kaya naman inamin ni Kristine, “Nape-pressure na ako, kasi tumatanda na ako. Parang bawal tumanda, bawal magka-wrinkles. Pero I’m really flattered, thank God for that,” dagdag pa niya nang makatsikahan namin after ng ribbon cutting sa grand opening ng Skinlandia branch sa McKinley Hill na pag-aari ng GMA actress na si Jess Martinez.


Si Kristine ang special guest sa opening ng bonggang Skinlandia branch. Dahil magkaibigan sina Shyr Valdez at Dina Bonnevie (na bumuo ng House of D YouTube show) na mother-in-law ni Kristine, napapayag siyang mag-cut ng ribbon.


At dahil napapanood si Kristine sa House of D (HOD) kasama si Oyo, mag-asawang Danica Sotto at Marc Pingris at siyempre, si Ms. D, marami ang nag-aabang kung kailan naman siya papayagan ni Oyo na magbalik-teleserye.


“Actually, wala naman po talagang problema kay Oyo,” sagot niya.

Paliwanag niya, “Sa totoo lang, gusto ko talaga, nami-miss ko rin po talaga. Except for the demands sa isang teleserye. May 6 akong anak, may asawa ako, so ‘di na s’ya ‘yung katulad ng dati na puwede nila akong tawagin in the middle of the night, puwede nila akong hatakin dahil may kailangang i-shoot, things like that. So, hindi ko ‘yun mako-commit talaga.”

Hirit pa ni Kristine, “Pero kung mayroong sitcom, okay naman, kasi medyo magaan ang trabaho. Katulad nitong House of D, ang sarap ng feeling, na-miss ko na mag-ayos ng hair at mag-make-up. Nakaka-miss talaga, s’yempre I grew up doing this.”


Well, kailan kaya magbabalik-showbiz ang diyosang si Kristine Hermosa?

Samantala, si Shyr Valdez pala ang naka-discover kay Jess Martinez kung kaya’t magkasama na sila sa Artist Circle management ni Rams David.


Ayon naman sa mommy ni Jess na si Jessieden Ali Martinez, wala raw silang ibang choice kundi si Kristine Hermosa na totoo namang ultimate symbol of glow and beauty.

Kuwento ni Jess, “Doon naman po sa si Ms. Kristine na s’ya lang ang only choice, kasi for me, I believe hindi lang po physically beautiful si Ms. Kristine but she radiates so much positive energy. And I watched one episode of House of D, the first episode, sobrang family-oriented din po s’ya. And then, naka-center talaga si God sa buhay n’ya kaya I believe it’s also why she’s beautiful po.”


Reaksiyon naman ni Jess na si Kristine ang naging special guest sa ribbon cutting ng Skinlandia second branch, “Oo nga po, nagulat nga po ako. Nanginginig nga po ako ngayon, ang lamig po ng kamay ko. Katabi lang po kita (Kristine) ngayon ay isang karangalan na po. Sobrang saya ko po, sobra.”


Ang first branch ng Skinlandia na pag-aari ni Noreen Divina (founder at CEO ng Skinlandia at Nailandia kasama ang husband na si Juncynth Divina) ay matatagpuan sa basement ng SM Fairview.


Ilan sa mga naging shows ni Jess sa GMA ay ang Abot-Kamay Na Pangarap (AKNP) ni Jillian Ward at Sanggang Dikit FR (SDFR) nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | September 17, 2025



Rhian Ramos - IG

Photo: Rhian Ramos - IG



Excited si Rhian Ramos sa nalalapit na That’s Amore, A Night At The Movies (TAANATM) concert, pero inamin ng actress-host na may halong pangamba rin siya sa mga nangyayari ngayon sa bansa at sa iba’t ibang panig ng mundo.


Marami kasi ang nangangamba na baka magkaroon din ng mga pag-aaklas sa bansa dahil sa malawakang korupsiyon sa gobyerno.


“You know, I still believe that Filipinos are fairly peaceful people,” tugon ni Rhian.

Paliwanag niya, “Kasi, sa lahat ng mga race, I feel like kung may taong may karapatan magalit for all of these years and for so many reasons, tayo ang may karapatan at tayo ang may dahilan.”


Dagdag pa ng girlfriend ni Sam Verzosa, “And yet, alam mo ‘yun, we could have had riots every year, ‘di ba? Every year naman tayong binabaha, nakakagalit na talaga.


“But I believe we’re still a very peaceful people. And hopefully we can get through this without anyone getting physically hurt.”


Samantala, excited na si Rhian sa kanyang kakantahin sa concert. Isa pala siyang soprano, na kahit siya ay nagulat, kaya palang bumirit kung gugustuhin.


Nagbiro na lang ang sexy baker tungkol sa isyu sa bansa, “Kung may mag-stampede, puwedeng mag-stampede na lang papasok ng concert! I’m sorry, I don’t want people to feel like I’m making a joke out of it, but I am making a joke!


“Yes, I know that these are very serious topics na we’re facing right now. But at the same time, alam mo ‘yun, we also have meme culture.”


Dagdag pa niya, “So please excuse my joke, I just find comedy to be very healing. I think that’s why, ‘di ba, lahat ng nangyayari sa news, may memes na kaagad. Kasi that’s how we heal as people.”


Kasama rin sa concert sina Michelle Dee, Tali Sotto, Scarlet Snow Belo, Vivoree Esclito, Maymay Entrata, Ina Raymundo, Pepe Herrera, Renzo Jaworski, Amari Sotto, Jema Galanza Imogen, Rain Celmar, John Arcenas at Zia Dantes.



SPEAKING of Zia, natanong ang RMA’s founder at Asia’s Jewel na si Ms. Jade Riccio kung paano niya napapayag ang anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na sumama sa concert at mag-perform nang solo sa ikalawang pagkakataon.


“After one year of doing sessions, here came the concert last year. So, I asked Ms. Marian if she is okay that Zia is included at the concert,” kuwento ng mang-aawit.


“But Marian is so, so nice, and she asked Zia what she wanted and she never told her what to do. Doon pa lang, sabi ko, ‘Grabe, napakagaling n’yang magpalaki ng anak.’


“And when I heard Zia’s voice, sabi ko kay Marian, ‘Your daughter will really go places.’


“So, last year, I gave her a solo part which I think became viral because it was everywhere. And you know, it inspired so many kids and parents as well. Everyone was surprised, na ang ganda pala ng boses ni Zia. She’s a very hardworking student.”


Kaabang-abang din ang duet nina Jade at music icon na si Jose Mari Chan. Kakantahin nila ang Let Love Be The Gift (LLBTG) na composed by Jose Mari Chan at kasama sa kanyang Going Home to Christmas 2012 album.


Bago ang konsiyerto, magkakaroon ng “Amore Wall” kung saan maaaring isulat ng mga dadalo ang kanilang mga paboritong love quotes o mag-dedicate ng mga kantang gusto nilang marinig.


Bahagi ng kikitain sa concert ay ido-donate sa Autism Society of the Philippines (ASP).


Para sa impormasyon ng tiket at mga presyo, bisitahin ang ticket2me website.

 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | July 11, 2025



Photo: Carlo Joshua at Anne Curtis - IG


Inamin ni Joshua Garcia na nakaramdam siya ng iba’t ibang emosyon sa intimate scenes nila ni Anne Curtis sa Philippine adaptation ng ABS-CBN ng It’s Okay To Not Be Okay (IOTNBO) na magpi-premiere sa July 18 sa Netflix.


“Nandu’n ang kaba, nandu’n ang excitement, s’yempre, Anne Curtis ‘yun, sino ba naman ako?” pahayag ng mahusay na aktor.


Aniya pa, “So, in-enjoy ko lang every moment na nasa set ako ni Direk Mae (Cruz-Alviar) at tuwing kaeksena ko si Ate Anne. Ay, si Anne, dahil magagalit s’ya ‘pag in-ate ko s’ya.

“Pati si Kuya Carlo (Aquino), lahat ng moments ko with other actors like Tita Rio (Locsin), ang saya!”


Ayon pa kay Direk Mae, kinunan ang intimate scenes noong comfortable na sa isa’t isa sina Anne at Joshua.


Pagbubulgar naman ni Joshua, meron daw siyang embarrassing experience.

“Nasa dagat kasi kami, kaya mga fish-fish ang kinakain namin, nag-lunch kami. Noong kinagabihan, may intimate scene kami ni Anne, ‘yung naghahabulan kami sa bed.

“Napa-dighay ako, tapos naamoy ni Anne, sabi niya, ‘Dumighay ka ba?’ Sabi ko, ‘Oo.’ Sabi niya, ‘Ang baho!’


“Sobrang nakakahiya, pero at least, sobrang komportable na namin sa isa’t isa. Pero, oh my God, sobrang nakakahiya nu’n, pero share ko lang, ‘pag marinig na ‘yun, matatawa rin s’ya at ise-share rin n’ya ‘yun,” natatawang kuwento pa ni Joshua na napaka-humble pa rin.


Ayon kay Direk Mae, part ng story ang mga intimate scenes, kaya hindi puwedeng ma-delete ang iconic scenes.


Pag-amin pa ng direktor, “Sanay kasi ako na ang katrabaho ko ay love team na bawal mag-kiss. Now, I’m working with actors na hindi na sila ‘yung may love team. Nakatutuwa ‘yung proseso in doing intimate scenes o romantic na hindi magka-love team.


“Kasi nakikita mo ‘yung skill, how do you bring it out. Paano ‘yung tingin mo sa kanya, kasi ‘pag mag-boyfriend, madali lang, dahil meron kayong connection talaga romantically.

“Pero ‘pag wala, doon lumalabas ang galing nila as actors, mapapalabas mo ‘yung tingin na may attraction, and that’s acting.


“Kasi nga, mahusay silang mga artista, kaya nakakatuwa kasi parang, this is different din for me.


“Ang galing lang how the actors like Josh and Anne, kaya abangan n’yo ‘yung kissing scenes nila. At kahit alam mong it was choreograph, pinag-usapan ang mga eksena, binlock, pero alam mo the eyes are there emotionally, because they are excellent actors.”


Ang IOTNBO ay magiging available sa iWantTFC starting July 19. Mapapanood naman ito sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, at TV5 mula sa July 21. 



MAS magiging makabuluhan ang pagtatanghal ng ika-8 edisyon ng The EDDYS (The Entertainment Editors’ Choice Awards) sa July 20, 2025.


Inanunsiyo ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na magiging beneficiary ng 8th EDDYS ang Little Ark Foundation. 


Ngayong taon, ibabahagi ng SPEEd ang pagtulong at pagsuporta sa mga batang patuloy na nakikipaglaban sa iba't ibang medical condition. 


Ang Little Ark Foundation ay isang non-governmental organization na nagbibigay ng komprehensibong suporta sa mga batang may cancer, thalassemia at iba pang malubhang sakit. 


Bukod dito, nag-aalok din sila ng iba pang tulong tulad ng pansamantalang pabahay, transportasyon, pang-araw-araw na pagkain at emosyonal at logistic na suporta para sa mga pamilya.


Ang misyon nito ay bigyan ang mga bata hindi lamang ng pangangalaga na kailangan nila, kundi pati na rin ng isang ligtas na lugar upang gumaling at mangarap.


“This year, The EDDYS goes beyond recognizing cinematic excellence by standing with children who are bravely fighting for their lives,” pahayag ni Salve Asis, pangulo ng SPEEd.


“Through our support of the Little Ark Foundation, we hope to help ease their journey and bring attention to the crucial work being done for these young patients and their families,” dagdag ni Asis.


Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano suportahan ang Little Ark Foundation, bisitahin ang kanilang official website, littlearkfoundation.org.

Ang 8th EDDYS ay magaganap sa July 20 sa Ceremonial Hall ng Marriott Ballroom sa Newport World Resorts sa Pasay City.


Magkakaroon ito ng delayed telecast sa Kapamilya Channel, Jeepney TV at may worldwide streaming sa iWantTFC sa July 27, Linggo.


Major presenter ang Playtime PH sa pakikipagtulungan ng Globe at Unilab.

Co-presenter ng 8th EDDYS ang Newport World Resorts at ABS-CBN sa ilalim ng production ng Brightlight Entertainment na pinangungunahan ni Pat-P Daza at ididirek muli ni Eric Quizon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page