Wala raw dapat patunayan… PAULO, TAMEME SA KALAT NANG BUNTIS SI KIM

ni Beth Gelena @Bulgary | September 14, 2026

Photo: Paulo Avelino at Kim Chiu - IG
Hindi na nakatiis ang aktor na si Paulo Avelino sa mga panlalait ng mga bashers kaya sinagot na niya ito. Nitong nakaraan kasi ay may mga nagsabing hindi kawalan ang aktor sa showbiz kung sakaling mawala o magpahinga ito.
“I don’t need to prove myself to anyone!” aniya sa mga patuloy na bumabatikos sa kanya.
Komento ng mga fans:
“Tama ka, Paulo. Basta’t nandito kaming mga Ka-KimPau (Kim Chiu at Paulo fans), laging nakasuporta at laging magmamahal.”
“Correct ka, Pau, basta maligaya na kayo ni Kim. KimPau forever love talaga.”
“You’re so right, ignore the bashers...”
Isa pa sa mga dahilan kung bakit bina-bash ang aktor ay dahil sa kanila ni Kim Chiu.
Kung totoo raw na nagmamahalan at may relasyon na sila ng ‘Chinita Princess’, bakit hindi raw siya umaamin, lalo pa’t natsitsismis ngang buntis umano ang aktres.
Promo lang daw ba para sa pelikula nilang A Perfect Marriage ang isyung buntis si Kim?
Well, marami ang nag-aabang kung ano nga ba ang totoo.
NAPANSIN ng mga netizens ang mga posts ni Nadine Lustre sa kanyang Instagram (IG) Stories tungkol sa mga ganap niya lately.
Sa isang post niya para sa kanyang bagong endorsement ng denim brand na may kaugnayan sa konsepto ng merman at mermaid, may ilang netizens ang nagkomento at nag-request na sana ay gumanap si Nadine sa isang remake ng Dyesebel.
Sey pa ng isa, “The Legend of the Blue Sea, please?”
Samantala, may isang post ding nagbigay-pansin sa mga bagong ganap sa career ni Nadine. Busy ngayon ang aktres sa music recording at may bago siyang kanta na ang title ay Donuts with APL.DE.AP.
NAGKAROON kami ng pagkakataong makatsikahan ang actress-singer na si Sarah Javier, dating miyembro ng That’s Entertainment (TE).
Mula sa pagkanta, napunta rin si Sarah sa pag-arte at patuloy na naging abala sa iba’t ibang proyekto sa showbiz.
Ibinahagi niya ang kanyang mga bagong ganap, kabilang na ang mga pelikulang kanyang kinabibilangan.
Pagmamalaki ni Sarah, “Tita, natapos ko na po ‘yung isang international movie po, director po namin si Charlotte Dianco with Rafael Rosell.
“Now po, we’re doing a movie with Sef Cadayona and Kate Valdez directed by Dante Pangilinan. Nasa location po kami ngayon.”
Ang international movie ni Sarah na idinirek ni Charlotte ay The Run Away Kids, habang ang isa naman ay Batang A.I. (artificial intelligence).
Sa aming pag-uusap, hindi rin nakalimutan ng aktres ang kanyang pinagmulan sa showbiz.
Naalala niya ang mga dati niyang kasamahan sa TE matapos siyang maimbitahang maging hurado sa StarQuest at Level Up Dance Battle, kamakailan.
Ayon kay Sarah, nakita niya ang pagkakahawig ng naturang talent search sa TE, lalo na't dahil binibigyan ang mga batang kalahok ng pagkakataong maipakita ang kanilang talento sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte.
Dahil dito, napabalik-tanaw siya sa sarili niyang karanasan bilang batang performer nang magsimula sa mundo ng showbiz.
Hindi rin natapos sa pagiging hurado ang mga ganap ni Sarah sa entertainment industry. Patuloy siyang abala sa iba’t ibang radio, TV, mall at online guestings, bukod pa sa kanyang mga proyekto sa pelikula.
Sa kabila ng maraming taon mula nang mapabilang siya sa TE, makikitang nananatili pa rin ang kanyang passion sa showbiz, pati na rin ang kanyang interes sa pagtuklas at pag-encourage sa mga bagong talento.
Ngayong Setyembre 24, tatanggap naman si Sarah ng Elite Icon award mula sa award-giving body na I-Conique. Gaganapin ang awarding sa Novotel, Araneta, Manila.





Comments