Wala raw closure… JOHN, TODO-SORRY KAY HEART SA BIGLAANG HIWALAYAN NILA NOON

ni Beth Gelena @Bulgary | October 4, 2026

Photo: FB Heart Evangelista
Hindi akalain ni Heart Evangelista na makalipas ang 23 taon, hihingi ng tawad ang aktor na si John Prats sa mga nangyari sa kanilang dating love team.
Muli silang nagkasama sa isang proyekto, na muling nagbukas sa isang bahagi ng kanilang nakaraan.
Ayon kay John, matagal na niyang gustong maipaliwanag at maayos ang mga nangyari sa pagitan nila.
“‘Yun na nga, sinasabi ko na ‘sorry’ du’n sa mga nangyari dati kasi never talaga kami nagkaroon ng conversation,” sey ng aktor.
Aminado naman si Heart na biglaan ang naging pagtatapos ng kanilang tambalan at wala silang pagkakataong maayos na mapag-usapan ang nangyari.
“It was abrupt, too. Even the way our love team was taken away from us—it was abrupt,” pahayag ni Heart.
Sa paglipas ng mga taon, naging abala na si Heart sa kanyang sariling buhay at unti-unti na ring nakalimutan ang mga nangyari sa kanilang kabataan.
Ngayon, makalipas ang mahigit dalawang dekada, nagbabalik sila sa pelikula bilang dalawang taong mas marami nang pinagdaanan at mas nauunawaan na ang kanilang nakaraan.
Hindi rin basta reunion movie ang kanilang proyekto dahil si John mismo ang magsisilbing direktor nito. Para kay Heart, ibang-iba rin ang pelikula sa mga proyektong karaniwang iniuugnay sa kanya.
“This would probably even be more myself. Even if I like to dress up, I mean, you’ll see little bits of it, but it’s really not about that. It’s really more about our hearts in the film. So it’s totally different from what I do,” ani Heart.
Sa kanilang muling pagkikita, tila nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng closure ang isang bahagi ng kanilang nakaraan.
Sa nakaraan nilang pag-uusap, sinabi rin ni John, “Kaya pala ‘di tayo nag-goodbye kasi there’s no goodbye.”
Samantala, sey naman ni Heart tungkol sa kanilang muling pagkikita, “Para talagang walang lumipas na oras.”
Sa pagkakataong ito, nagbabalik sila hindi na lamang bilang JoHeart na minahal ng kanilang mga fans noon, kundi bilang dalawang taong muling nagkrus ang landas para ituloy ang pagkakaibigan.
Kaya kinuhang co-host sa show…
VICE, ALIW NA ALIW SA PAGIGING SABAW AT LUTANG NI VINCE
HINDI lang basta pagpapatawa ang nakita ni Vice Ganda kay Vince Maristela, kundi ang natural nitong pagiging ‘lutang’ at ‘sabaw’ na madalas nauuwi sa katatawanan.
Sa panayam kay Aubrey Carampel para sa 24 Oras, ibinahagi ni Vice kung bakit niya nagustuhan ang personality ng Sparkle actor at dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate.
“Si Vince ‘yung isa sa pinakanakakaaliw. Meron s’yang ibang level of lutang and natatawa kami lagi,” ani Vice.
Para kay Vice, nakakaaliw ang pagiging unpredictable ni Vince dahil may mga bigla itong sinasabi na hindi niya inaasahan.
Aniya, “May mga sinasabi s’yang ‘di ko ine-expect, nagtatawanan kami. Sabi ko, ‘Ilalagay ko ‘to sa GGV (Gandang Gabi Vice). Mapapakinabangan ko ‘yung kasabawan mo.’”
At nabigyan nga ni Vice ng pagkakataon si Vince na makasama bilang co-host.
Para naman sa aktor, hindi lamang saya ang hatid ng bagong hosting opportunity dahil marami rin siyang natututunan mula kay Vice, lalo na sa comedy at pakikipagsabayan sa energy ng isang beteranong host.
Aniya, “‘Di lang ako ‘yung prim and proper. Pero makulit din ako, ‘noh! Kaya kong makipagsabayan. Bukod sa nag-e-enjoy ako, marami rin po akong natutunan kay Meme Vice.
“At siguro, lalo na ngayon na first time ko na maka-work s’ya as co-host, iba rin talaga ‘yung energy and masaya.”
Bukod sa GGV, patuloy din ang pagdami ng proyekto ni Vince sa Kapuso Network.
Mapapanood siya sa afternoon series na Delivery Boi, na pinagbibidahan ni Will Ashley, at bahagi rin siya ng mainstay cast ng Kapuso podcast na TRGGRD!
MAS maririnig ang boses ng movie fans sa nalalapit na 42nd Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Movies dahil muling magsasanib-puwersa ang PMPC at PlayTime Entertainment.
Opisyal nang pinirmahan ng dalawang grupo ang partnership agreement noong October 1, kung saan nagsilbing Official Entertainment Partner ng awards night ang PlayTime.
Tatlong taon na rin itong katuwang ng PMPC sa kanilang movies, television at music awards.
Ngayong taon, magkakaroon ng PlayTime Fans’ Favorite Award, kung saan mismong mga fans ang boboto sa kanilang paboritong pelikula.
Magsisimula ang voting sa PlayTime website sa October 12 hanggang 21, habang isasagawa ang vote counting at verification mula October 21 hanggang 25.
Gaganapin ang 42nd PMPC Star Awards for Movies sa October 25 sa Winford Manila, kung saan iaanunsiyo ang PlayTime Fans’ Favorite.





Comments