top of page
Nadine Lustre - Zero Studio PH.jpg

Wala pang inaamin na magdyowa na… DUSTIN AT BIANCA, HOLDING HANDS SA SIARGAO

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | October 24, 2026



Bianca de Vera at Dustin Yu - IG

Photo: Bianca de Vera at Dustin Yu - IG



Lalong kinilig ang mga fans ng DustBia matapos muling magbahagi si Bianca de Vera ng sweet photos nila ni Dustin Yu mula sa kanilang bakasyon sa Siargao.


Sa Instagram (IG) post ng aktres noong Huwebes, Oktubre 22, ibinahagi niya ang ilang kuha nila ni Dustin sa isla na nilagyan niya ng caption na: “Siargao diaries.”


Hindi ito ang unang pagkakataong nagpakita ng sweetness ang dalawa sa kanilang Siargao getaway. Sa nauna niyang post, “Reset” naman ang naging caption ni Bianca.


Makikitang magkahawak-kamay sila habang namamasyal sa isla.

Mula nang makilala ang kanilang tambalan sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE) Season 1, patuloy na sinusubaybayan ng kanilang mga supporters ang mga ganap sa buhay at career ng dalawa sa labas ng Bahay ni Kuya.


Sa ngayon, ang kanilang mga larawan sa Siargao ang nagbibigay ng bagong kilig sa DustBia fans, bagama't hindi ito awtomatikong nangangahulugang kumpirmado na ang tunay na estado ng kanilang relasyon.


Sabagay, hindi naman na kailangan ng opisyal na kumpirmasyon mula sa dalawang dating housemates ni Kuya. ‘Di ba, DustBia?





Labi namaga, taob si Angelina Jolie…

JOROSS, HINDI NA MAKATAYO SA SOBRANG TINDI NG SAKIT



KAHIT mataas ang lagnat, hindi napigilan si Joross Gamboa na pumunta sa taping, pero pinauwi rin siya para magpagaling muna.


Ayon kay Noel Ferrer, nagpositibo sa Influenza B ang aktor batay sa resulta ng kanyang laboratory tests. Dahil sa lumalalang kondisyon, hindi na rin nakadalo si Joross sa mediacon ng pelikulang Remember.


Sa Facebook (FB) post ni Ferrer, pinuri niya ang dedikasyon ng aktor sa trabaho, pero ikinuwento rin ang kalagayan nito na kinailangang magpahinga matapos pumasok sa taping kahit nilalagnat.


Aniya, “GET WELL SOON, Joross Gamboa. The professional that you are, you still reported to your taping yesterday even with a high fever; and thank you to the Code Gray prod for understanding Joross’ situation and for sending him home yesterday evening.”


Hindi rin itinago ng misis ni Joross na si Katz ang tindi ng nararamdaman ng aktor. 

Ayon kay Ferrer, “Katz (Joross’ wife) said: ‘Joross is very sick po talaga and he has had a fever since yesterday. He hasn’t been able to get out of bed, and can barely speak because of his sore throat.’”


Bukod sa flu at sore throat, namamaga rin ang mga labi ni Joross, dahilan para hindi na niya maituloy ang pagdalo sa mediacon.


Dahil dito, pabirong ikinumpara pa ng aktor ang kanyang namamagang labi sa Hollywood actress na si Angelina Jolie habang ipinapaliwanag kay Ferrer kung bakit hindi siya makakadalo sa event.


Aniya pa, “To me, he said: ‘Sayang I was all set to attend the mediacon kasi kami lang ni Ana Abad Santos ang puwede sa support cast, kaso bukod po sa flu, maga po ang lips ko, talo ko pa po si Angelina Jolie. Bawi na lang po ako talaga! Sorry po.’”


Samantala, sa mismong social media post ng aktor, ibinahagi niya kung paano naging pagkakataon ang kanyang pagkakasakit upang mas makita at maramdaman ang pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng mga taong nag-aalaga at nagdarasal para sa kanya.


Pahayag niya, “Nu’ng nagkasakit ako, ipinag-pray ko kay Lord na ma-glorify s’ya through my sickness. ‘Di ko alam kung paano, pero now ay nakikita ko ‘yun sa mga kaibigan ko, pamilya ko, at lalung-lalo na sa asawa ko, kung gaano ako kamahal ng Diyos.”


Nagpasalamat din siya sa pag-aalala at pag-aalaga ng kanyang pamilya at mga kaibigan, lalo na ng kanyang misis na patuloy na umaalalay sa kanya habang nagpapagaling.


Aniya, “‘Yung concern nila at pag-pray sa ‘kin at kung paano ako alagaan. Thank you, Jesus!”

Bagama’t umaasa siyang agad na gagaling, ipinahayag ni Joross na hindi magbabago ang kanyang pananampalataya anuman ang mangyari.


Sabi ng aktor, “I pray na gumaling na ako, pero kung ‘di man ako gumaling, You are still my God!”


Hindi rin niya kinalimutan ang iba pang may karamdaman. Hiniling niyang gumaling din ang mga taong dumaranas ng kaparehong pagsubok at maranasan ang pagmamahal ng Diyos sa gitna ng kanilang pinagdaraanan.


Aniya, “I’m praying for everyone to get better na may sakit din tulad ko, but more than that, I pray that they will see God’s love during these dark times. All Glory to God!”

Sa ngayon, nakarekober na nang maayos si Joross. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page