BF, tanggap na showbiz royalty… ASHLEY, MAY KONDISYON BAGO MAGPAKASAL KAY MAVY

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 24, 2026

Photo: Mavy at Ashley Ortega - IG
“Si Mavy, I love him for who he is, not because of his status in life,” pahayag ng aktres na si Ashley Ortega tungkol sa kanyang boyfriend na si Mavy Legaspi.
Kamakailan ay naging guest si Ashley sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), kung saan napag-usapan ang kanyang love life at ang pakiramdam ng pagiging in love.
“I love being in love, Tito Boy. I’m really happy. I’m happy in the relationship with Mavy, and next week, magtu-two years na kami,” sagot nito.
Napag-usapan din ang pananaw niya pagdating sa pagkakaroon ng karelasyon mula sa showbiz family.
“Honestly, si Mavy, I love him for who he is, not because of his status in life or, you know, du’n naman ako, eh. Like, I’ve also had relationships na private, na non-showbiz. It doesn’t matter to me kung ano ‘yung status n’ya,” pahayag ng aktres.
Inamin din ni Ashley na dahil pareho silang public figures ni Mavy, mas madali na para sa kanya ang masanay sa buhay na laging napapansin.
“But again, since I’m a public figure and ‘yung mga past relationships ko na public din, si Mavy also now, I think it’s easier for me to get used to being in the public eye. Siguro may adjustment sa partner mo na private. Pero kung both public figures, I think you just have to talk to each other and keep your personal stuff private.
“Pero ‘yung sa public, ‘di mo na maiiwasan, eh. At saka wala ka na rin namang magagawa if ‘yung career nila is public din. Kami ni Mavy, especially s’ya, family n’ya (Legaspi), showbiz, bata pa lang ay public na, showbiz royalty. So, kaming dalawa, we’re aware and it’s inevitable na itago pa namin,” ani Ashley.
Samantala, tinanong din ni Boy Abunda si Ashley kung nakakaramdam ba siya ng pressure na mag-asawa na, lalo pa’t malapit na siyang mag-30.
Ayon sa aktres, magkaiba na ang pananaw ng nakatatandang henerasyon at ng mga kabataan ngayon pagdating sa pag-aasawa at pagbuo ng pamilya.
“Ako, honestly, Tito Boy, sorry. In generation ng mom ko, I think ‘yung mga parents natin, uso talaga na in your mid-twenties, kailangang magpakasal na. Pero sa generation din kasi namin ngayon, uso rin ngayon na ‘yung thirties muna talaga, pag-iisipan ‘yung family,” paliwanag niya.
Dagdag pa ng aktres, hindi naman niya nararamdaman ang pressure na magpakasal agad dahil mas nakatuon muna siya ngayon sa kanyang career.
“So honestly, ‘di ako na-pressure, Tito Boy, kasi I feel like ‘yung mga Gen Zs, mga millennials... actually, mga Gen Zs, recently, I just had a podcaster na millennial versus Gen Z. Iba na talaga ‘yung generation. ‘Yung mga Gen Zs, they’re very career-oriented, goal-oriented. So wala akong na-experience na pressure,” kuwento niya.
Aminado naman si Ashley na gusto muna niyang maging stable sa buhay at career bago mag-settle down.
“But again, of course, I’m turning 30 soon. So s’yempre, I want to have a stable life first, financially, sa career ko. Gusto kong maging stable muna bago mag-settle down. Kasi ayokong mag-settle down with the family knowing na ‘di pa ako fulfilled sa lahat ng gusto kong gawin,” pagtatapos ni Ashley.
Well, pak na pak ka r’yan, Ashley. Mas magandang magkaroon muna ng stable life bago mag-asawa at bumuo ng pamilya.
EMOSYONAL na mensahe ang ibinahagi ng singer na si Angeline Quinto para sa kanyang ultimate idol na si Asia’s Songbird Regine Velasquez matapos mapanood ang concert nito.
Ayon kay Angge, parang binalikan niya ang kanyang pagkabata at mga pangarap nang mapanood ang performance ng kanyang idolo, na naging inspirasyon niya sa musika.
“As someone who grew up admiring her, listening to her songs, and dreaming while watching her perform, seeing her on that stage was more than just watching a concert.
“It was like meeting a piece of my childhood, my dreams, and the little girl in me who fell in love with music because of her.
“Last night, I didn’t just watch a legend perform. I witnessed a beautiful part of OPM history, and I felt so grateful to be there to celebrate you.
“The little girl in me will always look up to you, and no matter how many years pass, you will always be my ultimate idol.
“Thank you for the music, the memories, and the inspiration, Asia’s Songbird. NAG-IISA KA,” madamdaming pahayag ni Angeline.
In fairness, napakaraming fans ang napasaya ni Regine sa kanyang matagumpay na concert.
Isang malaking congratulations sa the one and only Asia’s Songbird!
‘Yun lang, and I thank you.





Comments