top of page
Nadine Lustre - Zero Studio PH.jpg

Kesa raw sa ganda niya… MARIAN, MAS GUSTONG MAALALA NG IBA NA MABUTING TAO

Writer: BULGAR
BULGAR
56 minutes ago
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 24, 2026



Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Remember - IG

Photo: Marian Rivera at Dingdong Dantes - IG



“Siguro ‘yung wedding namin, du’n nag-sink in sa ‘kin na pangarap kong magkaroon ng pamilya na ngayon ay may dalawang anak ako,” ito ang sagot ni Marian Rivera sa tanong kung ano’ng memory sa love story nila ng asawang si Dingdong Dantes ang gusto niyang i-remember.


Si Dong naman ay halos pareho rin ng sagot sa asawa. 

Sey ng aktor, “‘Di lang isa kasi magkakadugtong, memory nang una ko s’yang makilala, memory ng aming wedding at memory ng birth ng dalawang anak namin.”

Inamin pa ng aktres na takot siyang mawala ito sa kanya. 


Ani Marian, “Kasi ito ‘yung memory na ‘di maaagaw ng sinuman. Itong memory na ‘to, oo, napapanood nila, pero sa puso mo, baka iba ‘yung memory na ‘yun.”


Dagdag pa niya, “‘Pag totoong nagmamahal kasi, anuman ang mangyari, magbago man ang hitsura, maghiwalay man kayo ng mahabang panahon, pero ‘yung memory ng pagmamahal, parang ‘di mawawala ‘yan.”


Ang pelikulang Remember ang ikalawang pelikula ng mag-asawang Dingdong at Marian sa Star Cinema pagkatapos ng Rewind (2023), na highest-grossing film sa history ng Metro Manila Film Festival (MMFF).


Sa ilang dekada nina Marian at Dingdong sa showbiz, natanong sila kung paano nila gustong ma-remember ng lahat.


Say ni Marian, “‘Yung fame, ‘yung ganda, lumilipas (emosyonal), pero ‘pag idine-describe ka ng tao na naging malaking biyaya ka sa buhay nila at nakagawa ka ng kabutihan, ibang klase ‘yun! Siguro, ‘yun ang mas gusto kong maalala sa ‘kin, na sa buong buhay ko, nakagawa ako ng mabuti para sa iba.”


Si Direk Mae Cruz-Alviar naman, “As you experience life and you realize that life is fleeting. You cannot take awards or whatever to the grave, and what you will leave behind is how you make people feel. I think what I want to be remembered for is being someone who made people feel good about themselves or who had a positive impact on their lives. 


“It doesn’t have to be in a big way; it can be a small encouraging moment. You made this world a better place for someone or made someone feel good or feel positive.”

At si Dingdong ay halos pareho ng sinabi ni Direk Mae. 


Aniya, “Sa ‘kin, exactly what Direk Mae said. As in, mula umpisa hanggang dulo, ‘yun eksakto.”


Base sa trailer, nagkahiwalay ang karakter ng mag-asawa sa Remember at nagpunta si Marian sa Quebec, Canada, kung saan nakatira si Ana Abad Santos para sa panibagong buhay. Pero nagkasakit ang anak nilang ginagampanan ni Zia Grace, kaya kinailangang sumunod ni Dingdong doon para ipakitang okay sila ni Marian bilang mga magulang ng kanilang anak.


Dito iikot ang kuwento. Ipapakita ang struggles ng bawat isa at kung paano nauwi sa hiwalayan at iba pa. Sinigurado ng mga nagsulat na sina Enrico Santos at Daisy Cayanan-Mejares na, ayon kay Marian, ay ‘ang sakit-sakit sa dibdib’ ng kuwento.


Mapapanood ang Remember sa November 11 sa Pilipinas at sabay na rin sa ibang bansa. 

Handog ito ng ABS-CBN Film Productions, Star Cinema, APT Entertainment, AgostoDos Pictures at Regal Entertainment.





May pinaghahandaan…

JUDAY, NAG-AARAL BUMARIL



NAUNA naming isinulat dito sa BULGAR na inalok si Judy Ann Santos-Agoncillo para maging parte ng Incognito 2, pero hanggang ngayon ay hindi pa siya nakikitang nagte-taping.


Ayon naman sa ABS-CBN insider, tuloy ang aktres bilang hudyat ng pagbabalik niya sa teleserye na may mahalagang role. Hindi ito binanggit sa amin, pero sasabak daw siya sa aksiyon.


Kaya pala may video post na nagta-target shooting si Juday kasama ang asawang si Ryan Agoncillo. Bilang paghahanda ba ito?


Anyway, may bagong pasok na naman sa Incognito 2. Bukod kina Carlo Aquino at Jane Oineza, nakita na rin si Maja Salvador na kasama nina Daniel Padilla, Kaila Estrada, Maris Racal, Anthony Jennings at Ian Veneracion na nagte-taping sa Negros Occidental kamakailan, base sa post ng netizen.


Curious kami kung ano ang karakter ni Maja, dahil sa larawang ipinost ng ABS-CBN Studios ay naka-suit siya ng puti. 


Produced ito ng Star Creatives at Three Sixty.


Bida o kontrabida kaya si Maja? O baka naman siya si ‘Contractor’?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page