top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

Wala pang 50 ang nanood... MMFF MOVIE NINA ALEX AT TONI, NILANGAW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 3, 2022
  • 2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 03, 2022




Nakakalungkot naman na ang Metro Manila Film Festival ngayong taong ito ay talagang sadsad sa mga sinehan, as in nilangaw ang mga pelikulang ipinalabas.


Saksi kami na talagang madalang kang makakakita ng pipol sa ticket booth para bumili ng ticket.


Nanood kami ng apo ko sa Fishermall nu’ng Wednesday ng ExorSis na pinagbibidahan ng Gonzaga sisters (Toni at Alex) at in fairness, okey naman ang pelikula.


But sad to say, wala pa po yata kaming 50 katao na nasa loob ng sinehan, considering po na Holiday Season pa naman.


Ramdam po talaga na hirap sa buhay ang mga tao dahil sa COVID 19 magmula pa last year.


At saka ang isa pa, sobrang taas ng tiket sa sine na umaabot po ng P300 plus or P200+ kapag ginamitan ng senior o PWD ID.


Ganunpaman, mahal pa rin dahil talagang walang maibabayad sa mga sinehan ang mga tao. Gustuhin man nilang manood, karamihan ay nawalan ng trabaho.


Aminin po natin na kapag ganitong Kapaskuhan, ang karamihang nanonood ay ang mga nasa middle-class dahil kahit papaano, may maibabayad sila.


Pero karamihan nga ay nawalan ng trabaho at hindi na magawang magsama-sama ng isang pamilya na makapanood na nangyayari lang kapag Araw ng Pasko.


Isa pa, hinahanap pa rin ng mga tao ang entry nina Vice Ganda at Bossing Vic Sotto tuwing MMFF.


Higit sa lahat, dapat daw ay inisip ng MMFF na bawasan ang bayad ng sine para naman ma-afford ng pamilya.


Sabi nga ng isang manonood na nag-backout nu’ng magbabayad na, "Papa’no kang makakapanood, ang mahal ng sine. Bawal pang kumain o uminom sa loob ng sinehan.


"Du’n na lang tayo sa bahay, mga anak, hintayin na lang natin sa Netflix o kaya sa pirated CD, tiyak magkakaroon niyan agad kung ganyan kamahal ang sine."


Papa’no namang hindi magrereklamo ang padre de pamilya, eh, lima ang anak na kasama plus silang mag-asawa. Aba, halos P2K nga naman ang babayaran nila. Pagkain na rin nila ‘yun nang ilang araw.


Sana nga, pinag-isipan munang mabuti ng mga namumuno sa MMFF ang mga ganitong senaryo.


Tingin namin, ang mas makikinabang dito sa filmfest entry ay ang may mga hawak na season pass, though nagtaas na rin sila ng fee.


Ang dating P10 na ibinabayad kapag may season pass ay P20 na ngayon.


Buti na lang I won 1 season pass sa X’mas party namin kaya isa lang ang binayaran ko, ang apo ko na may PWD card pang gamit kaya naka-discount ako, hahaha!


Happy New Year po, my dear readers.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page