top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Wala pang 40, 'di na mukhang heartthrob…

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 4, 2021
2 min read

HIRIT NG NETIZENS: JOHN LLOYD, TATAY NA TATAY NA ANG HITSURA, NAKAKALBO PA

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 4, 2021




May bagong proyekto si John Lloyd Cruz, isang tricycle booking app na inilatag niya sa Cabuyao, Laguna.


Kasama ng aktor si Cabuyao Mayor Rommel Gacolea nang isulong niya ang tricycle booking app na Trike Now.


Personal na sinaksihan ng iba’t ibang opisyal ng lungsod ang paglulunsad ng aktor ng kanyang proyektong tricycle booking app.


Maging ang mga tricycle operators at drivers association ng Cabuyao ay nandu'n para pakinggan ang paliwanag ni Lloydie.


Sa Facebook ng Information Office ng Cabuyao ay nakasaad ang pagbisita ni Lloydie.


“Dumalaw ang sikat na aktor na si John Lloyd Cruz kay Cabuyao City Mayor Atty. Rommel Gacolea upang ilatag ang kanyang bagong proyektong Tricycle Booking App na Trike Now. Kasamang dumalo sa presentasyon ni G. Cruz sina Cong. Dan Fernandez, G. Mike Aranzanao at mga opisyal ng TODA ng lungsod.”


Ayon sa mga netizens, kakailanganin daw ng mga tricycle drivers ang smartphones.

Marami raw kasi sa mga ito ay walang smartphone.


“Baka ipo-provide ni Lloydie ang mga gadgets dahil naisip niya 'yan,” komento ng isa.


May mga netizens na napansin ang hitsura ng aktor sa kuhang larawan habang siya ay nagpapaliwanag sa harap ng mga opisyales ng Cabuyao.


Ang nakakaaliw, ang mga komento ay hindi tungkol sa subject na inilalatag niya kundi sa kanyang looks ngayon. Tinawag siyang "Tatay Lloydie" ng ilan.


“He looks old. Never finds him pogi real talk.”


“He looks much better now than when he had long hair & may balbas pa, but wala na 'yung leading man looks niya. Hindi na siya fresh looking. Mas noticeable 'yung receding hairline niya & ang tanda na ng hitsura niya.”


“He seems to have lost weight. Bagay!”


“Fresh look, fresh start! He’s sooo handsome!”


“Wala nang charm si Lloydie. Halata na tumanda na siya at may receding hairline. Tatay na tatay na 'yung looks niya now and not as matinee idol anymore.”


“He's not even 40 yet pero ang tanda na ng hitsura niya. Naniningil talaga sa katawan ang bisyo.”


“Unfortunately, ang image niya na gusto ng publiko ay pabebe. Eh, 'di na umaayon sa looks niya.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page