top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Wala pa raw 50 katao ang bisita…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 23, 2020
  • 2 min read

SEN. MANNY, TODO-EXPLAIN NA WALANG NILABAG NA BATAS KAHIT NAG-B-DAY PARTY

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | December 23, 2020




Galing mismo sa Department of Health na bawal magkaroon ng malaking pagtitipon ngayong Pasko para makaiwas sa Covid-19 pandemic. Ang pinapayagan lang na bilang ng tao ay 10 para may social distancing. At kaagapay ng DOH ang mga mambabatas, militar at kapulisan para ipaalala ito sa lahat ng mamamayan sa Pilipinas.


Pero heto si Boxing Champ Senator Manny Pacquiao, nakakadalawang beses nang pinupuna. Nauna noong buwan ng Marso na nagkaroon ng malaking pagtitipon sa bahay niya para sa mga kapartido. May kumalat kasing video na galing mismo sa panauhin kaya nalaman ito ng lahat.


Pero kaagad naman itong ipinaliwanag ni Senator Manny kaya mabilis natapos ang isyu.

At ang latest ay nag-viral ang mga larawang kuha sa birthday party niya na ginanap nitong nakaraang linggo sa kanyang hometown, General Santos City.


Base sa mga larawan ay makikita ang mga guests na walang face mask at hindi nag-o-observe ng social distancing kaya marami ang pumuna rito na natanggap niya mula sa mga netizens.


Sa panayam kay Sen. Manny ni Headstart host Karen Davila na ipinalabas sa ANC ay wala pa raw 50 katao ang dumalo sa kanyang party at lahat daw ‘yun ay sumailalim sa PCR (polymerase chain reaction) test.


“Hindi po kami nagpabaya. Alam po namin na magkakaroon ng issue na ganyan at mayroon na po silang mga swab bago namin pinapapasok sa ano,” pahayag ng senador.


Mahigpit daw na ini-require ni Pacman ang swab testing dahil kasama nila ang kanyang mga anak.


Ipinaliwanag pang abot sa 300 ang capacity ng lugar kaya malaki na ito para sa 50 kataong bisita.


May nilabag bang protocol si Senador Manny?


“Wala naman po, maingat po tayong nag-celebrate ng birthday party natin although simple lang pero ang focus po natin is ‘yung pamimigay na lang ng relief goods, saka pera, doon sa ating mga kababayan.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page