Wala nang show ngayon, nagmamakaawa… XANDER FORD, AMINADONG YUMABANG NU'NG KUMITA NANG MALAKI

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 27, 2026

Photo FB Xander Arizala / File
Inamin ng social media personality na si Marlou Arizala o mas kilalang Xander Ford na lumaki ang ulo niya noong panahong malaki ang kanyang kinikita.
Sa panayam kay Marlou sa YouTube (YT) channel ng aktor-talent manager na si Ogie Diaz, napag-usapan ang mga pagkakamali niya noon, ang pagbabago ng kanyang ugali at maging ang kanyang ipinaretokeng mukha.
Ani Marlou, “Ang dami kong problema. Feeling ko, lahat, napunta sa mukha ko.”
Napag-usapan din sa kanilang panayam ang panawagan ni Marlou sa GMA Network na mabigyan siya ng pagkakataong makapagtrabaho uli.
“Nanawagan ka ng show sa GMA?” tanong ni Ogie.
“Oo, Mama Ogs,” seryosong sagot ni Marlou.
“Bakit?” dagdag na tanong ng talent manager.
Paliwanag ni Marlou, “S’yempre, Mama, buntis kasi si Jenna. May second baby na ‘ko.
“So, kaya naman nu’ng may ipun-ipon naman. S’yempre, ‘yung ipon kasi nauubos ‘yan, eh. So, kung wala kang permanent na work, wala kang pagkukunan.
“So, ‘yung vlog ko naman, ‘di naman ganu’n kalaki ‘yung kinikita ko, kaya nu’ng ginuest ako ng GMA, may picture akong ipinost ko na nanawagan ako ng ganito na baka sakaling merong mga director like mga manager na baka kailangan nila ng artist or komedyante.
“So, sabi ko, nakiusap lang na kahit anong role, tatanggapin ko kung meron lang.”
Natanong din ni Ogie si Marlou tungkol sa sinasabing paniningil niya noon ng P45,000 sa pag-show.
“So, nag-show-show ka na, tapos naniningil ka ng P45,000?” tanong ni Ogie.
“‘Di, Mama, ano lang din ‘yun, paano lang, pakulo ko lang din,” sagot ni Marlou.
Hindi rin naiwasang mapag-usapan ang mga puna sa kanya noon na lumaki ang ulo niya.
“‘Yung iba, sinasabing lumaki ang ulo mo?” tanong ni Ogie.
“Sobra po,” diretsahang sagot ni Marlou.
“Ah, talagang inaamin mong lumaki ang ulo mo?” dagdag pa ni Ogie.
“Opo, kahit nu’ng unang interview mo sa ‘kin, inamin ko naman na nagkamali po ako. Sobrang nagkamali ako kasi mali ‘yung nasamahan kong circle na akala ko, ‘yung ginagawa nila, tama po ‘yun,” paliwanag niya.
Samantala, tinanong din ni Ogie si Marlou tungkol sa kasabihang nababago man ang hitsura sa pamamagitan ng retoke, hindi naman daw ganoon kadaling baguhin ang ugali.
“Actually, ‘yung sinasabi nga nila na nabago ang hitsura mo pero ang ugali, hindi, I mean, nareretoke raw ang mukha, naniniwala ka ba ru’n?” tanong ni Ogie.
“Naniniwala po ako ru’n. Naniniwala akong ‘di nareretoke ang ugali pero nababago ‘yung pag-uugali. Natutunan kasi minsan,” ani Marlou.
Well, nobody's perfect. In fairness, aminado naman si Marlou sa kanyang mga pagkakamali. Sana ay mabigyan siya ng panibagong pagkakataon sa showbiz.
“Hindi pinalampas ng aktor na si Derek Ramsay ang espesyal na araw ng kanyang mother dearest na si Remedios Ramsay. Nagbahagi siya ng isang sweet at makahulugang birthday message para rito.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Derek ang kanyang ina sa walang sawang pagmamahal, suporta at mga sakripisyong ginawa nito para sa kanilang pamilya.
Ani Derek, “Happiest Birthday, Mom!
“Thank you for your unconditional love, endless support, and for always being the best mom anyone could ever ask for. Everything I have and everything I am today is because of you and Dad.
“I will forever be grateful for the sacrifices you’ve made, the values you’ve taught me, and the love you’ve given me throughout my life. I am truly blessed to have you as my mother. I love you more than words can ever express. May God bless you with good health, happiness, and many more beautiful years ahead.
“Happy Birthday, Mom! I love you!”
Well, totoo ang kasabihang napapalitan ang asawa, pero ang ina, hindi. ‘Di ba naman, Derek Ramsay?
NAGBAHAGI ang aktor na si Rodjun Cruz sa kanyang social media post ng larawan na kuha sa engagement ng kapatid niyang aktor na si Rayver Cruz at ng singer na si Julie Anne San Jose.
Ani Rodjun, “So happy to witness this beautiful and unforgettable moment!
“Sobrang saya ko para sa inyong dalawa, @rayvercruz & @myjaps! This is just the beginning of a beautiful journey together. May your love grow stronger each day, and may God always guide, bless, and be at the center of your relationship. Wishing you both a lifetime of love, happiness, and endless blessings. Mahal na mahal ko kayo! Congratulations!”
Nagkomento naman si Rayver sa post ng kanyang kuya at sinabing “Love you, my king champion!”
Well, iba talaga ang samahan ng magkapatid na Rayver at Rodjun. Sana all, may brother na ganyan ka-sweet.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments