top of page
Magui Ford Planas at Robbie jaworski - IG.jpg

Kaya wagi ng Best Acting Performance award… ANDREA, PALABAN NA, TODO-MURA, ‘DI NA PABEBENG MAGSALITA

Writer: BULGAR
BULGAR
59 minutes ago
4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 27, 2026



SPECIAL - ANDREA, PALABAN NA, TODO-MURA, ‘DI NA PABEBENG MAGSALITA_IG _blythe

Photo: IG _blythe



Um-agree si Direk Sigrid Andrea Bernardo sa honest opinion namin na pelikula ni JC Santos ang Laya at hindi ni Andrea Brillantes kahit pa ang aktres ang ibinenta sa pelikula at mas malaki ang picture sa poster kesa sa magaling na aktor.


Pero pambalanse ni Direk Sigrid, hindi naman din magiging ganu'n kahusay ang performance ni JC kung ‘di rin magaling ang kanyang kaeksenang si Andrea, na in fact ay nakatanggap nga agad ng Best Acting Performance award sa ginanap na 2026 Women and the World International Film Festival (WWIFF) sa London recently para sa kanyang role na Sab, isang matapang at palabang babae na naghahanap ng katarungan para sa namatay na ama.


In fairness, totoo naman ang sinabi ni Direk Sigrid, ibang-iba si Andrea sa Laya, hindi pabebeng magsalita, malutong magmura at mature nang kumilos na mala-woman of the world ang peg.


First time magbida ni Andrea sa pelikula at nagawa nga siyang maging Best Actress agad ni Direk Sigrid, tulad din nina Krystel Go (ng I'm Perfect) at Therese Malvar (ng Ang Huling Cha-Cha ni Anita) na sa debut film nila ay naging Best Actress din agad.


Kaya naman, kinantiyawan namin si Direk Sigrid sa ginanap na premiere night ng Laya nu'ng Monday sa SM Megamall Cinema 2 na “Best Actress Maker Director” pala siya at todo-pasalamat naman ang direktor sabay puri sa kanyang mga artista na pare-pareho rin daw mahuhusay. 


Bukod nga kasi kina JC at Andrea, pinuri rin ni Direk Sigrid si Anthony Jennings na super-kulit daw sa set pero ‘pag sumalang na sa eksena ay kapalakpak-palakpak din.


Asked namin si Direk Sigrid kung sino ang mga dream pa niyang maidirek at gawing Best Actress-Best Actor at binanggit niya sina Kathryn Bernardo at John Lloyd Cruz. 

Well, why not? 


Anyway, going back to JC Santos, puring-puri nga ng mga nakapanood ang kakaibang husay at pagiging aktor nito. Hindi siya takot ma-deglamorized at napakatapang na pumayag mag-all the way sa take note, not just one but two scenes sa movie!


Naku, para maka-relate kayo sa sinasabi namin, watch n'yo na ang Laya in cinemas nationwide dahil showing na ito mula pa nu'ng Nov. 25.


Mula sa Rein Entertainment na kilalang gumagawa ng mga de-kalidad na pelikula, ‘wag n'yong palagpasin na hindi mapanood ang Laya kung gusto n'yo ring lumaya sa inyong mga “hidden secrets”. Char!!!





Nandiyan naman daw ang pamilya niya… GERALD, KUNTENTO SA BUHAY KAHIT WALANG LOVE LIFE



PAULIT-ULIT na pinaninindigan ni Gerald Anderson na single pa rin siya at wala pang bagong love life matapos ang breakup nila ni Julia Barretto.


Tinanong kasi namin si Gerald sa media launch ng Amadi Multiverse ng kanilang tatlong brands under one company – ang Python na ine-endorse ni Gerald at ng mag-asawang Rosemar at Jerome Pamulaklakin, Clean Planet na si Sexbomb Sunshine Garcia naman ang endorser, at Skin Story na ang magandang Kapuso star na si Angel Guardian naman ang ambassador – kung ano ang importance at naitutulong sa kanya ng bago niyang endorsement na Python men's wellness and energy supplement gayung wala naman siyang girlfriend ngayon.


Natawa si Gerald at ipinagdiinang hindi naman daw kailangang may girlfriend bago uminom o mag-take ng Python supplements na nakakatulong na makapagbigay ng kakaibang lakas sa kalalakihan after ng maghapong busy schedule and activities.


In his case raw, everyday siyang nagte-take ng Python dahil gusto niya, after a day of tiring activities ay may lakas pa rin siya pag-uwi ng bahay para maka-bonding ang kanyang pamilya.


Hindi raw talaga priority sa ngayon ni Gerald ang paghahanap ng girlfriend dahil bukod sa pagiging one of the most in demand endorsers-actors sa showbiz,

businessman din siya at naka-focus ngayon sa kanyang 2 resorts at gym, bukod pa sa kanyang mga charity projects-advocacies on the side.


Kung darating daw ay darating din ang tamang babae para sa kanya at hindi dapat magmadali.


Tama naman. Ang mahalaga, may girlfriend siya o wala, eh, laging nakakondisyon ang kanyang katawan at lodi ng mga kalalakihan bilang Python endorser.


Anyway, hindi naman nakarating sa said media launch ng Amadi Multiverse ang face of Clean Planet na si Sexbomb Sunshine dahil sa kasabay na commitment kaya ang mister na lang niyang si Bulacan Vice-Governor Alex Castro ang nag-represent sa kanya.


Pero siguro naman, hanggang du'n lang nagsa-sub si VG Alex kay Sunshine, ha, hindi sa paglalaba at paglilinis ng bahay gamit ang eco-friendly at plant-based products ng Clean Planet like their biodegradable Laundry Stain Remover, Washing Machine Cleaner, and plastic-free detergent. Charot lang!!!


Present dun ang mala-anghel sa ganda na si Angel Guardian na ambassador naman ng Skin Story at sabi niya, kaya importante sa kanya ang endorsement na ito dahil bilang artista, kailangan talaga niyang alagaan ang kanyang skin.


Congrats kay Sir Mike Lee at sa lahat ng bumubuo sa Amadi Multiverse dahil kahit kalo-launch pa lang ng 3 brands nila, ang dami na agad distributors all over the Philippines. At dahil mga sikat ang napili nilang endorsers, hindi malayong agad pag-usapan at makilala ang mga products ng Python, Clean Planet at Skin Story.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page