ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Dec. 5, 2024
Photo: Sam Verzosa at Rhian Ramos - Instagram
Sa early Christmas party na bigay ni Cong. Sam Verzosa at business partner na si RS Francisco to some members of the press pipol ay natanong ni yours truly si Cong. Sam a.k.a. Dear SV of Kapuso Network na kung sakaling siya ang manalo bilang Manila mayor this coming 2025 election, pakakasalan na ba niya ang kanyang labs na si Rhian Ramos?
“Opo, gagawin namin ‘yun kasi kasama ko s’ya sa hirap, kasama ko siya sa tagumpay,” ang ngiting-ngiti niyang sagot.
Okay, ngayon pa lang, congratulations na sa inyong dalawa ni Rhian at kung kayo ang talagang itinakda ng tadhana sa isa’t isa, well and good.
Du’n naman sa story conference ng Unconditional movie ay isa si Rhian Ramos sa mga lead stars nitey kasama ang award-winning actor na si Allen Dizon na gaganap as transman.
Plus co-stars din nila sina Elizabeth Oropesa, Lotlot de Leon, Paolo Gumabao, Rico Barrera, Joel Lamangan at iba pa, written by Jerry Gracio and directed by award-winning filmmaker Adolfo Borinaga Alix, Jr. at si Dennis Evangelista ang line producer.
They will start filming sa Siargao this coming December 8 produced by BR Film Productions.
On Rhian Ramos’ side naman, natanong itey kung what if malaman niya na isang transman pala ang pinatulan niya?
“Kung sa tunay na buhay, I don’t think na ‘yun ang uunahin ko. Pag-iisipan ko muna, kasi when you fall in love, it will always takes you by surprise. Hindi naman malayo na posibleng ma-in love ako either sa babae o sa transman. Since it is not something pre-planned, so possible to fall in love with a transman or a lesbian,” katwiran ni Rhian.
Sey mo, Michelle Dee?
O, kayo mga Marites at tribo ni Mosang, may condition ba kayo or wala sa mga magiging loves n’yo?
Think and think BIG, ha! ‘Yun na!
Si Daniel Padilla naman ang natanong kung ano ang pakiramdam niya habang ongoing ang taping nila ng Incognito?
“Wala naman akong naramdaman na kaba, kasi wala naman silang ibinibigay na pressure
sa ‘kin while doing this Incognito. I am just doing my best at kung ano ang kalalabasan. Well, that’s it! Basta I am doing my best and I am proud sa lahat ng mga nagagawa namin dito as a group.
“And I am excited na ipakita ko ito sa erpat ko. Sa trailer pa lang ng Incognito ay excited na ako,” lahad ni Daniel.
Another tanong, maikukumpara ba siya sa kanyang mahusay na tiyuhin na si Robin Padilla when it comes to being an action star?
“Iba-iba naman kami ng timpla. Magaling si Tito Robin, mahusay. Tignan naman natin kung ano ang maio-offer ko bilang action star dito sa Incognito,” aniya.
Sa tingin ni yours truly that night sa Incognito Q & A portion ay tipong pumayat at nabago ang hairdo ni Daniel. May kinalaman kaya ito sa one year anniversary ng paghihiwalay nila ng ex-girlfriend niyang si Kathryn Bernardo last November 29, 2023?
O, ‘di ba, may kasabihan sa Chinese na kapag nasawi ka raw sa isang pag-ibig ay magpaputol ka ng buhok or ibahin ang style na ‘di tulad nu’ng dati nu’ng sila pa ni Kathryn Bernardo.
Well, that's for you to find out, mga Marites at tribo ni Osang d’yan, okidoki? Boom, ganerrnnn!
Sa preskon ni Mr. Cecilio Pedro na owner ng Happee toothpaste na ang unang naging endorsers ay sina Ruffa Gutierrez at BB Gandanghari ay napabilib naman kami kay Dr. Cecilio na presidente rin ng FFCCCII sa kanyang pagiging vocal at proud sa pagsasabing, “Ako po ay Christian at naniniwala ako na Christians should celebrate Christmas but at the same time it's all about Christ. It’s all about Jesus Christ. Ang sabi sa Bibliya, whatever and whoever accept the Lord Jesus Christ will be happy in eternal life. Sa John 3:16, for God so love the world that he gave his only begotten son that whoever believes in him should not perish but have everlasting life."
Ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) ay taos-pusong nagpapasalamat kay Jose Mari L. Chan, kilalang mang-aawit, manunulat ng kanta, at respetadong negosyante, sa kanyang hindi matitinag na suporta sa mga iba't ibang sosyo-kalakal na inisyatiba ng federation.
Pinuri ni Dr. Pedro ang mga kontribusyon ni Chan sa isang kamakailang pagtitipon at binigyang-diin ang malawak na network ng 170 Filipino Chinese chambers at iba't ibang organisasyong pang-industriya sa buong bansa mula Aparri hanggang Tawi-Tawi.
Ang FFCCCII ay may mahalagang papel sa pagtataguyod ng ekonomiya, pagtulong sa mga biktima ng kalamidad, mga libreng misyon medikal, at pagsuporta sa mga pampublikong paaralan sa mga liblib na lugar, pati na rin ang pagbibigay ng tulong sa mga volunteer fire brigades ng Filipino Chinese na tumutulong sa mga biktima ng sunog at kalamidad, anuman ang lahi o katayuang panlipunan.
Bilang tugon sa anim na malalaking bagyo, pinangunahan ng FFCCCII, sa pamamagitan ng Filipino at Tsino Magkaibigan Foundation, ang mabilis na paghahatid ng mga pagkain at ayuda sa mga lugar na tinamaan ng matinding pagbaha sa Bicol, Metro Manila, at iba pang mga lalawigan.
Muling inihayag nina Jose Mari Chan at Dr. Cecilio Pedro ang matagal nang pangako ng komunidad ng negosyanteng Filipino Chinese na tumulong sa mga kababayang Filipino na naapektuhan ng mga kalamidad at itaas ang kalagayan ng mga kapus-palad sa buong bansa.