Janice, sa bahay ni Karla nag-birthday… DANIEL AT KAILA, ONE BIG HAPPY FAMILY NA

ni Julie Bonifacio @Winner | November 27, 2026

Photo: Circulated / IG @solidaritydjp
‘One big happy family’ kung i-describe ng mga netizens ang pamilya ni Daniel Padilla at ng girlfriend niya na si Kaila Estrada.
Nagkasama ang mga magulang at kapatid ng magdyowa sa bahay ni Karla. Nope, hindi pa po pamamanhikan ang naganap. Pinagsabay lang ang celebration ng birthday nito at ng ina ni Kaila na si Janice de Belen.
Buking sa nag-viral na photos at video…
MAGUI, OBYUS NA HAPPY AFTER NG BREAKUP NILA NI ROBBIE
Puna ng mga netizens sa kumalat na mga photos and videos sa naganap na okasyon, mukhang happy daw ang sister ni Daniel na si Magui Ford.
Well, masaya raw kaya ito sa kabila ng nababalitang breakup nila ni Robbie Jaworski?
‘Yan ang kuda ng mga netizens na nakakita sa picture kung saan kasama ni Magui ang kanyang pamilya.
Sey ng isang netizen, “Magui seems happy after the breakup.”
But in fairness, natural na maging happy ang anak ni Karla sa picture dahil kapiling nito ang kanyang pamilya.
True.
Piloto na, nagtayo pa ng bagong resto…
XIAN, HAPPY NA SA BUHAY SA SUBIC
MAY bagong journey na tinatahak ang aktor na si Xian Lim matapos magbukas ng sarili niyang restaurant sa Subic, Olongapo. Join na rin siya sa mga celebrities na nagtayo ng ganitong business.
Kaya marami ang nag-akala na baka iwan na ni Xian ang showbiz at mag-concentrate sa kanyang negosyo at pagiging piloto sa Subic.
Nagsimula ang mas malalim na ugnayan ni Xian sa naturang lugar nang mag-aral at magtapos siya ng kanyang flight training sa Topflite Academy.
Ibinahagi ng aktor sa Instagram (IG) ang mga larawan ng kanyang restaurant, ang RPLB.
Caption ni Xian, “Taking things slow at the moment. Learning, reflecting, and appreciating everything along the way. So many things are happening all at once, but that’s a good thing, right? After all, diamonds are formed under pressure.
“Extremely grateful for the people around me, the new faces I get to meet every day at RPLB, the life I'm building here in Olongapo, and all the beautiful little moments in between.
“Still figuring things out, still learning, and definitely still a work in progress. But even in the midst of uncertainty, there’s so much to be thankful for.
“Just taking it one day at a time, growing at my own pace, trying to be a little better than I was yesterday, and reminding myself to enjoy the journey.”
Binati si Xian ng kanyang mga IG followers sa kanyang bagong ganap sa buhay.





Comments