ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 11, 2023
Dahil sa BF niyang si Ruru Madrid, nagdesisyon ang Kapuso actress na si Bianca Umali na magpa-convert na rin sa Iglesia Ni Cristo upang mas tumibay pa ang kanilang relasyon.
Kusang-loob at hindi pinilit ni Ruru ang nobyang si Bianca na sumapi sa INC. Maraming pinagdaanang pagsubok si Bianca bago siya tuluyang natanggap na miyembro ng INC.
At nakapasa naman si Bianca sa pamunuan ng Iglesia ni Cristo, kaya wala nang conflict ng religion sa relasyon nina Bianca at Ruru.
Para kay Ruru, si Bianca na ang babaeng kanyang pakakasalan at gustong makasama habambuhay. Tried and tested na ang kanilang relasyon.
Marami na silang pinagdaanang pagsubok, pero ipinaglaban nila ang kanilang pagmamahalan.
Sa ngayon ay wala pa naman silang planong magpakasal dahil pareho silang focused sa kanilang career.
Si Bianca ay kasama sa sequel ng Encantadia at si Ruru ay kauumpisa pa lang sa action seryeng Black Rider.
Kailangan muna nilang paghandaan ang kanilang future upang maging financially stable bago mag-settle down.
Comments