Wala nang dyowa?... RUFFA, INGGIT NA INGGIT NA SWEET SINA MAJA AT BF

Julie Bonifacio - @Winner | February 2, 2021

Kilig-much ang mga netizens sa ipinost ni Maja Salvador sa kanyang Instagram account na piktyur nila ng boyfriend niyang si Rambo Nuñez habang nasa beach.
Nakapasan si Maja kay Rambo habang suot ang kanyang light blue two-piece bikini at ito ang inilagay na caption ng aktres, "Feb-ibig (with two hearts emoji)."
Nag-react ang mga celebrity friends ni Maja sa piktyur nila ni Rambo. Ilan sa kanila ay sina Ruffa Gutierrez, Marco Alcaraz at ang bagong misis na si Alex Gonzaga.
Comment ni Marco, "Ayaaan naaa!! (3 raising hands and 3 hearts emoji)."
Apat na face with heart emoji naman ang inilagay na comment ni Alex at maraming netizens ang nag-reply sa comment ni Mrs. Morada.
"Sana next na sila sa inyo ni Mikee," sey ng isa.
Hindi naman makapaniwala ang isang netizen sa comment ni Ruffa.
Say kasi ni Ruffa, "Sweet. Sana ALL."
Reply ng netizen kay Ruffa, "I can't believe isang RUFFA G, nagsa-SANA ALL. But it's cute though."
Agree naman kami sa tinuran ng netizen. Bakit mapapa-sana all si Ruffa? Eh, 'di ba, bukod sa guwapo na, mas bata pa kay Ruffa ang boyfriend niyang foreigner businessman? Ibig kayang sabihin, eh, break na sila?
Going back to Maja, ramdam naman ang kilig ng mga netizens sa inilagay na comment ng boyfriend niya sa kanyang IG post.
"Will you carry me? (laughing emoji)," comment ni Rambo.
Binigyan ng ibang pakahulugan ng mga netizens ang comment.
"Akala ko will you marry me, gosh-gosh, HAHAHA."
"Kilig."
"Muntik na 'ko mahimatay sa kilig dito, HAHAHAHA! Tapos pagbasa ko ulit, will you carry me pala. Kailan ba magiging M 'yan? HAHAHAHA"
Naku, baka next post ni Maja ay ang suut-suot na niyang engagement ring from Rambo. And for sure, hindi isisikreto ni Maja kapag nag-propose na sa kanya si Rambo.
Siyempre naman, eh, that's one of the happiest part sa buhay ng isang babae.
Hindi imposible, tutal naman, reding-ready na si Maja to settle down. Financially stable na siya at ang kanyang pamilya.
At habang 'di pa busy si Maja sa kanyang career, puwede siyang mag-focus muna sa kanyang personal life, then, family life nila ni Rambo.
Ganu'n din naman si Rambo na may sariling business. Parehong okey na okey din ang kanilang relasyon sa kani-kanyang pamilya nila.
Hmmm... mukhang kakabugin ng 2021 ang 2020 sa pagiging "busiest" year sa dami ng mga celebrities na magpapakasal this year.
Ang saya-saya!





Comments