top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Wala nang Daniel na pipigil… KATHRYN, MASYONDA NA, OKS LANG MAGPA-SEXY

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 16, 2024
3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 16, 2024



Showbiz Photo


Maraming nagulat at napa-wow nang mapanood ang sexy dance number na ginawa ni Kathryn Bernardo sa Century Tuna Superbods Finals Night. 


Si Kathryn ang latest ambassador/endorser ng Century Tuna kaya pinaghandaan niya nang husto ang kanyang dance number sa big event. Five months ang kanyang ginugol sa gym upang ma-achieve lang ang pagkakaroon ng abs na kanyang inirampa.


Samantala, mixed naman ang reaksiyon ng marami sa sexy dance number ni Kathryn dahil super daring na raw ngayon ang dalaga mula nang makawala sa relasyon nila ni Daniel Padilla.


Hindi nila inaasahan na ganu’ng pagbabago ang magagawa ng aktres. Nasanay na sila sa dating sweet and simple image niya.


Well, may ilang netizens naman ang pabor sa pagbabagong nakikita nila ngayon kay Kathryn. Nasa tamang edad na raw ito at hindi na isang teeny bopper. Ngayon ay mas lumutang ang sex appeal ni Kathryn Bernardo at nag-level-up ang kanyang ganda.

Bongga!


Pinatatakbong mayor sa Lipa…

LUIS, SI VILMA ANG CAMPAIGN MANAGER


Luis Manzano

Patuloy na kinukulit si Luis Manzano ng mga netizens kung papasok ba siya sa political arena sa darating na 2025 elections. Maugong kasi ang bali-balitang tatakbo siyang mayor ng Lipa City.


Sa status daw ngayon ni Luis ay handa na siyang sumabak bilang public servant, kaya hinihintay ng mga Lipeños ang kanyang ‘final answer’ dahil nakahanda silang suportahan ang kandidatura ni Luis kung saka-sakali.


Well, siguradong number one na mangangampanya para kay Luis ang kanyang mom na Star for All Seasons na si Vilma Santos. Naririyan din si Sen. Ralph Recto at ang kanyang dad na si Edu Manzano.


Samantala, magho-host pa si Luis ng game show na Rainbow Rumble, kaya ayaw muna niyang magbigay ng final statement sa kanyang political plans. 


Anyway, maugong ang tsikang ang pagiging governor ng Batangas naman ang tatakbuhing puwesto ni Vilma Santos. Ganunpaman, wala pa ring official statement ang

Star for All Seasons tungkol dito, kaya waiting din ang libu-libong Vilmanians sa Batangas.


Bongga! 

2 YAYA NG ANAK, BITBIT NI KRIS SA BAKASYON SA TATE 


Kris Bernal

ANG bongga naman ni Kris Bernal dahil ang napili niyang dalawang yaya para sa anak niyang si Baby Hailey ay isasama pa niya sa kanilang vacation sa USA. 


Matagal din bago nakakuha ng yaya si Kris para sa kanyang anak, talagang binusisi niya ang background ng mga nag-apply.


Well, gusto niyang tiyakin na magiging safe ang kanyang anak sakaling iiwanan niya kung may event siyang pupuntahan. Aware si Kris Bernal na may mga nagpapanggap na yaya at miyembro ng sindikato. Itinatakas ng mga ito ang kanilang mga inaalagaang babies.



Naka-dalawang Best Supporting Actress awards na si Gladys Reyes sa taong ito. 

Sa nakaraang EDDYS Awards ay wagi si Gladys ng Best Supporting Actress sa movie na Apag at sa kanya rin ipinagkaloob ng PMPC Star Awards for Movies ang same award para sa movie na Here Comes The Bride.


Kaya marami ang nagsasabing posibleng maka-grand slam siya.

Tie namang Best Supporting Actor sa 40th Star Awards for Movies sina JC Santos (Mallari) at LA Santos (In His Mother’s Eyes)


Samantala, itinanghal namang Movie Love Team of the Year sina Alden Richards at Julia Montes para sa movie na Five Breakups and a Romance. Marami ang hindi makapaniwala na nag-click sila Julia at Alden sa first time nilang pagtatambal sa

pelikula. 


Well, balik-akting na ngayon si Julia Montes at puwede na siyang tumanggap ng mas mature at challenging role. Magbabalik na siya sa Kapamilya at may gagawing teleserye.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page