top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Wala naman daw tao sa paligid… CINDY, GAME NA NAKIPAG-SEX KAY SID SA LOOB NG KOTSE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 7, 2022
3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | January 7, 2022



Hiningan ng opinyon si Cindy Miranda sa mga magsyotang may ginagawang milagro sa loob ng kotse lalo na kapag biglaang nagkita.


Sa pelikulang Reroute kasi na mula sa direksiyon ni Lawrence Fajardo ay may eksena sina Cindy at Sid Lucero bilang mag-asawa na nag-make love sa loob ng sasakyan nila.

“Natural ‘yun sa mag-asawa to do something like that in the middle of the road. To me, may mga laws tayo at may mga kaibigan na akong nahuli (natawa) na ginawa sa car.


“But you know, I haven’t tried it and I don’t think I’m gonna try it. I mean so far, hindi ko pa nata-try, pero sana, hindi ko gawin, baka mahuli rin ako, 'di ba?


“Kaya bawal kasi siyempre, respect ‘yun. Ayaw nating magulo ‘yung ibang tao kasi nga siyempre, gumagalaw ‘yung car at nakaka-disturb ‘yun sa ibang tao.


“Hindi naman lahat ng tao, pare-parehong mag-isip. May iba, conservative, may iba, very open to that, ‘yung iba, walang pakialam.


“Maybe we just need to respect na lang people and do it in private but I’m not against sa mga taong gumagawa nu’n.


“Sometimes, it’s just for fun, sometimes you just need it, you know like sa movie na ‘to (Reroute), we did that because we’re very tired, sad and we did not know what to do. We did that because mag-asawa naman kami and we did sa place na we thought na walang tao,” mahabang paliwanag ni Cindy.


Inamin ni Cindy na sobrang kilig siya nang makasama niya sa Reroute si John Arcilla na idolo niya noon pa. Kaya naman bago sila nagsimulang mag-shoot ay nakiusap siya sa executive producer nila na kung puwede siyang magpakuha ng picture na hanggang ngayon ay hindi pa niya ipino-post sa kanyang social media account.


Si John ay halos pareho ng ugali ni Cindy, seryoso sa set, inaaral ang script at hindi gaanong nakikipag-usap sa iba.


Kabaligtaran naman ni Sid na super-daldal dahil maraming kuwento at nasita pa nga minsan dahil ang lakas ng boses ng aktor habang nagte-take.


Nabanggit din ng aktres na gusto niyang maging seryosong aktres kasi nga, una siyang nakilala sa sexy movie na Adan na idinirek ni Roman Perez, Jr. kasama si Rein Escaño at produced ng Viva Films.


Pero hinding-hindi malilimutan 'yun ni Cindy dahil 'yun ang unang pelikulang bida siya bilang isang lesbian.


“A sexy actress is not bad to me, doesn’t sound bad to me. I wanna be a very good actress, not just a sexy actress, a serious one. I wanted to be in drama. Gusto ko na makagawa rin ng movie na wholesome lang na I hope people will watch me,” sambit ng dalaga.


Samantala, binanggit ng TV reporter na si Mario Dumaual ang papuri ni John kay Cindy na isa siyang beautiful anime at sobrang focus ang concentration nito sa karakter niya bilang si Trina.


“Ohh, na-miss ko tuloy si Sir John. Very proud of him. Nakakakilig po, may picture po ako sa kanya na hanggang ngayon, kinikilig ako kapag tinitingnan ko and I’m following him po sa social media niya.


“Every time he posts a photo, I comment and like, ganu’n po ako ka-fan ni Sir John Arcilla and kung puwede nga lang. But I was very shy to him every time na makikita mo ‘yung idol mo,” masayang sabi ng aktres.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page