top of page
BULGARY - LUCAS LORENZO, NA-BANNED DAW SA GOLF DAHIL SA SABLAY NA ASA-IG _juliabarretto.jp

Wais sa pera… ENRIQUE, NAKAPAGPUNDAR BAGO SILA NAGHIWALAY NI LIZA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 9 hours ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 24, 2026



TEKA NGA - ENRIQUE, NAKAPAGPUNDAR BAGO SILA NAGHIWALAY NI LIZA-IG _matteogprimetime & _lizasoberano

Photo: IG _matteogprimetime & _lizasoberano



Itinuturing ang aktor na si Enrique Gil na ehemplo ng pagiging praktikal sa paghawak ng kinikita sa showbiz. 


Sa kasagsagan ng kanyang kasikatan, nakapag-ipon at nakapagpatayo siya ng iba’t ibang ari-arian.


Hindi niya inuna ang luho, bagkus ay nag-invest sa mga ari-arian tulad ng farm, beachfront resort, isang bahay sa Spain, at pitong prime lots sa Metro Manila.


Sa kabila nito, nananatiling aktibo si Enrique Gil sa showbiz kahit naghiwalay na sila ni Liza Soberano bilang love team at magdyowa. Patuloy siyang tumatanggap ng mga proyekto at nananatiling maingat sa kanyang pera.


Sa dami ng kanyang naipundar, hindi na siya kakabahan para sa kanyang kinabukasan.





NOONG May 22 ay inalala ng mga malalapit na kaibigan sa showbiz ang yumaong direktor na si Lino Brocka sa kanyang 35th death anniversary. 


Si Lino Brocka ay ginawaran ng National Artist Award (posthumous) noong 1997. Gayunman, hindi siya inilibing sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) kundi sa Himlayang Pilipino Memorial Park. 


Kaya naman, bilang pag-alala at pagtanaw ng utang na loob, nais ni Phillip Salvador na ipalipat ang kanyang labi sa LNMB bilang pagkilala sa kanyang ambag sa sining bilang National Artist. Dito rin nakalibing ang iba pang National Artists tulad nina Nora Aunor, Marilou Diaz-Abaya, Ishmael Bernal, atbp..


Si Lino Brocka ang nagsilbing mentor ni Phillip at tumulong sa kanyang paghubog bilang aktor. 


Nagkaroon man sila ng tampuhan noong ginawa nila ang OraProNobis, nagkabati rin sila bago pumanaw ang direktor.


Ayon sa ulat, nakipag-ugnayan na si Kuya Ipe sa mga namamahala sa LNMB para mailipat si Lino Brocka.





NANAWAGAN ang mga Noranians sa magkakapatid na Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth de Leon na huwag isama ang lahat ng mga fans sa isyu, sakaling may ilang bashers na namba-bash sa kanila.


Giit ng ilan, hindi naman lahat ng Noranians ay galit kina Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth. Nangyari ang tensiyon noong first death anniversary ni Nora Aunor sa Libingan ng mga Bayani (LNMB), kung saan iilan lamang ang naiulat na namba-bash kina Lotlot at Matet.


Sa pagdiriwang ng 73rd birthday ng Superstar noong May 21, inasahan ng ilang tagahanga na makikita ang mga anak nito, ngunit walang dumating. Nauna na umanong dumalaw sina Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth sa puntod ng kanilang ina noong May 20 upang maiwasan ang tensiyon.


Labis itong ikinalungkot ng ilang mga Noranians, habang sina Ian de Leon at iba pang tagahanga ay nagtipon sa Iriga City upang ipagdiwang ang kaarawan ng yumaong Superstar at National Artist.


Iginiit ng mga loyal Noranians na nananatili ang kanilang respeto at pagmamahal sa pamilya ni Nora Aunor.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page