top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

‘Wag tangkilikin ang mapang-abusong paninda

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2022
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | January 26, 2022



Dear Chief Acosta,


Hindi ba’t bawal ang tahasang pagtataas-presyo ngayong may pandemya? Iyong mga nagtitinda ba ng medikal na mga pangangailangan na nuknukan nang mahal at malayo sa orihinal na presyo nito ay may posibleng kaparusahan? Tila kasi inaabuso nila ang sitwasyon ng lipunan ngayong may pandemya. – Badong



Dear Badong,


Sa panahon ngayon na halos bawat isa sa atin ay mayroong pinagdaraanang dagok dulot ng pandemya ay higit na kailangang maging tapat at lumaban ng patas. Lahat naman tayo ay nais kumita upang mayroong pantustos sa ating mga pangangailangan at gastusin, subalit hindi ito sapat na dahilan upang manlamang ng kapwa.


Kung kaya’t ang sinumang mapatunayang gumagawa ng mga hakbang at/o paraan upang kumita nang lubus-lubusan at hindi makatarungan ay maaaring mapatawan ng kaukulang parusa.


Nais din nating bigyang-diin na mahigpit na ipinagbabawal ang profiteering o napakamahal na pagbebenta ng mga pangunahing bilihin sa panahon ngayon ng pandemya.


Alinsunod sa Section 6 ng Republic Act No. 11469 o mas kilala bilang “Bayanihan to Heal as One Act”:

“Section 6. Penalties. - In addition to acts or omissions already penalized by existing laws, the following offenses shall be punishable with imprisonment of two (2) months or a fine of not less than ten thousand pesos (P10,000) but not more than one million pesos (P1,000,000) or both, such imprisonment and fine, at the discretion of the court:

x x x


(c) Engaging in hoarding, profiteering, injurious speculations, manipulation of prices, product deceptions, and cartels, monopolies or other combinations in restraint of trade, or other pernicious practices affecting the supply, distribution and movement of food, clothing, hygiene and sanitation products, medicine and medical supplies, fuel, fertilizers, chemicals, building materials, implements, machinery equipment and spare parts required in agriculture, industry and other essential services, and other articles of prime necessity, whether imported or locally produced or manufactured; x x x”


(Binigyang-diin)


Sa puntong ito ay nais din nating paalalahanan ang lahat na bumili lamang sa mga legal at rehistradong tindahan at pamilihan at huwag nang tumangkilik ng mga mapang-abusong manininda.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page