‘Wag puro lifestyle check, kasuhan, ikulong mga kurakot, now na!
- BULGAR

- Sep 1
- 1 min read
ni Imee Marcos @Imeesolusyon | September 1, 2025

Maulan na naman at bumabaha ng tsismis! Hindi kinayang tabunan ni Mareng Taylor Swift ang flood control issue! Nga pala, congrats beshie! Buti ka pa engaged, kami rito sa Pilipinas, ENRAGED!
Mainit ang ulo ng lahat sa mga shopping spree at travelife ng mga pulitiko at mga junakis nila gamit ang buwis natin. Pero teka muna beshie, sana naman ‘wag lang puro lifestyle check ang gawin!
Alam naman ng lahat kung sinu-sino ang nangurakot noh! Sa kakaimbestiga natin sa mga OOTD at expensive life nila, bibigyan lang natin ng time ang mga ‘yan na makipag-areglo ng cash-unduan! Remember, loaded sila -- sponsored by the Filipino people!
Sampahan na ng kaso, prosecute and convict! Marami nang kumakanta, ang dami pang ngawngaw! Nakabulaga ang ebidensya sa ating lahat -- ano pang inaantay natin, beshie???
Awat na sa lifestyle check, rehas check na tayo! Ang daming puwedeng ikaso -- graft and corrupt practices, plunder, money laundering, tax evasion -- lahat na ng puwede! ‘Wag lang tayo sa social media mag-ingay! Tuluyan na ‘yang mga ‘yan!
At ito, suggestion ko lang naman -- baka dapat isama na sa 2026 budget ang pondo para sa bagong kulungan, puwede rin bagong crocodile farm sa rami ng mga buwaya!
Dapat lang may managot at maparusahan sa mga ginawang personal ATM ang pondo ng bayan! Kasuhan at hulihin na ang mga buwaya na ‘yan! NOW NA!








Comments