top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

'Wag na raw sa pagka-pangulo… PACQUIAO, PINATATAKBO ULING SENADOR NI ATIENZA

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 23, 2023
2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 23, 2023



Nagpahinga muna sa pulitika si dating DENR Secretary and former Deputy Speaker Lito Atienza matapos silang hindi palaring manalo ng kanyang ka-tandem sa pagka-pangulo last national election na si Sen. Manny Pacquiao.


Ganunpaman, sinabi ng dati ring Manila mayor na gusto pa rin niyang maging productive at makatulong sa abot ng kanyang makakaya. Kaya sa ginanap na Pandesal Forum sa Kamuning Bakery ni Wilson Flores last Monday, isa sa mga topics na tinalakay ni ex-Mayor Atienza ay ang panawagan niya para sa malinis na tubig para sa lahat ng Pinoy.


Dahil dito, tinututulan niya ang Manila Bay reclamation at Fukushima nuclear wastewaters release sa Pacific Ocean.


Sinabi rin ng dating alkalde na sinusuportahan niya ang panawagan ni former Sen. Manny Pacquiao na mabigyan ng basic clean water services ang mga Filipinos at 'wag hayaan ang malalaking korporasyon na kumita nang malaki sa water business.


Kaya nga nang matanong namin si ex-Mayor Atienza, diretso niyang sinabi na muli niyang susuportahan si Pacquiao kung saka-sakaling tumakbo uli itong senador sa susunod na eleksiyon.


"He should run again," ang binitawang linya ni ex-Mayor Lito, pero aniya, dapat ay sa Senado na lang muna si Manny at 'wag na sa pagka-pangulo.


Well, tingnan natin kung iko-consider 'yan ng Pambansang Kamao na kung tama ang dinig namin ay gusto raw uling bumalik sa boxing ring.



In fairness sa mga Marites, ha, hindi lang pala ang showbiz couple na sina Aljur Abrenica at AJ Raval ang binabantayan nila ang mga galaw ngayon, kundi pati pala ang mister ni Ms. Dawn Zulueta na si Mr pinagbubuhusan nila ng effort at time na ma-monitor.


Kung matatandaan, kumalat kamakailan ang tungkol sa hiwalayan diumano ni Dawn at ng asawang Special Assistant to the President.


Agad namang pinatay ni Dawn ang isyu by posting a photo nila ng mister na magkasama bago raw lumipad uli ang aktres pa-USA para samahan ang anak na si Jacobo na ru'n na raw mag-aaral.


So, heto na nga ang latest na pinagpipiyestahan, ang viral video ng pagsakay ni Mr. Lagdameo sa kanyang car na ibang babae raw ang kasama.


Actually, medyo malayo ang kuha ng video at parang nag-Ninja moves lang ang paparazzi na panakaw na kinunan ng video si Mr. Lagdameo habang pasakay ng sasakyan na ang nauuna sa kanya ay isang babae na sa left door ng kotse dumaan, habang sa tabi ng driver's seat pumuwesto ang sinasabing mister ni Dawn.


Sa mismong video, may label na ang nakasulat ay: "USEC Sheena Liong at Sec. Anton Lagdameo, huling-huli."


Hindi namin matukoy kung 'yung tinutukoy na USEC Sheena Liong ang siyang talagang kasama ni Mr. Lagdameo sa kanyang kotse dahil bukod sa malayo ang kuha ng video, medyo nakatalikod pa 'yung girl.


Kaya ayaw din naming bigyan ito ng malisya dahil hindi naman magka-holding hands, magkaakbay o naghahalikan ang dalawa. Baka naman galing sila sa meeting sa isang resto at may pupuntahan pa kaya magkasabay sa car.


Siguro naman, ngayong nababalitang may third party sa mag-asawang Dawn at Anton, eh, mas mag-iingat na ang Special Assistant ni P-BBM at 'di gagawa ng anuman para lang mahanapan siya ng butas at ebidensiya.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page