'Wag daw todo-displey lang ng mga damit, bags, shoes, etc… HIRIT NG NETIZENS: JINKEE, ARAL MUNA
BAGO MANGARAP MAGING FIRST LADY
ni Julie Bonifacio - @Winner | July 30, 2021

Humingi na ng pasensiya ang misis ni Senador Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao pagkatapos umani ng batikos mula sa mga netizens.
Nilait to the max sa social media si Jinkee dahil sa maling watawat na ipinost kasama ang piktyur ng kauna-unahang Filipino Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz sa kanyang Instagram Stories.
Imbes kasi bandera ng Pilipinas ang inilagay ni Jinkee, ang nai-post niya ay ang flag ng Sint Maarten na isang bansang matatagpuan sa southern part ng Carribean island.
May pagkakahawig man sa kulay ang bandera ng Pilipinas at Sint Maarten, makikita naman agad ang pagkakaiba nito.

Nagdududa tuloy ang mga netizens kung siya ba talaga ang gumagawa ng posts niya sa kanyang socmed accounts. Wala naman ding masama kung magbayad si Jinkee ng taga-post niya. Kering-keri naman ni Jinkee ang mag-hire ng tao para mamahala ng kanyang socmed accounts.
Pero kahit meron siyang taga-post, dapat 'yung talagang maingat, at the same time, dino-double check din niya.
Kay Jinkee kasi talaga ang balik noon kapag may pumalpak, gaya na nga lang ng nangyari ngayon.
Minsan-minsan lang daw mag-post si Jinkee tungkol sa national event at hindi pagmo-model ng libu-libong halaga ng suot niya, nabatikos pa siya.
Isa pa, target si Jinkee ng bashers since naghayag si Sen. Manny ng intensiyon niya sa pagtakbo bilang presidente sa next elections.
At kung nangangarap daw siya na maging First Lady ng Pilipinas, payo ng mga netizens, walang masama kung madagdagan ang kanyang kaalaman. Hindi puro logo lang daw ng super expensive branded bags, damit at sapatos ang kabisado niya.
For sure, gagamitin ng mga bashers at kakampi ng kalaban ni Sen. Pacquiao sa presidential race ang pagkakamali ng misis niya sa bandera ng Pilipinas.





Comments