top of page

‘Wag daw paiiyakin… MARK, BINANTAAN NG FANS NI KATHRYN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 10, 2026



Kathryn Bernardo at Mark Alcala - Circulated - IG

Photo: Circulated / IG



Muling spotted ang couple na sina Kathryn Bernardo at Lucena City Mayor Mark Alcala sa City Hotpot last Friday evening. After dinner, nakunan sila ng reels video at kahit may suot na face mask ang aktres, nakilala pa rin.


Sa video, makikitang hindi naglakad nang magkatabi sina Kathryn at Mark at may distansiya sa kanilang pagitan, kaya may mga naniwalang hindi ang rumored BF ang kasama niya. Kaya lang, ‘yung mga madalas makita si Mark, kilala na ito at kahit likod lang nito ang nakita, alam nilang siya ‘yun.


Isa pang patunay na si Mark ang kasama ni Kathryn ay kasama nila ang isa sa kanyang mga staff na nakikita ring laging kasama nila. Kaya lang, kahit may mga ebidensiya na, marami pa ring mga fans ang in denial na may MarKath na. 


Gaya na lang nitong reels video, may mga naniwala na hindi si Kathryn ang nasa video dahil iba raw ang mga mata nito.


fairness, mas maraming mga fans si Kathryn na tanggap si Mark as her boyfriend. Kung saan daw masaya ang aktres, susuportahan nila at kung si Mark nga ang makakapagpasaya sa kanya, tanggap nila. Ang pakiusap lang nila kay Mark, ‘wag paiiyakin ang aktres dahil marami silang aaway sa kanya.





Si Rufa Mae ang kasama…

JOHN LLOYD, SITCOM ANG GAGAWIN SA GMA-7



Wala pa mang kumpirmasyon, masaya na ang mga fans ni John Lloyd Cruz (JLC) sa balitang magbabalik-telebisyon na siya. 


Sa kanyang vlog, ibinalita ni Bayani Agbayani na may gagawing sitcom si JLC sa GMA Network. Kasama siya sa cast at si Rufa Mae Quinto.


Naalala ng mga netizens na nakipag-meeting si JLC sa executive ng GMA at kasama pa nga sa meeting si Ellen Adarna. Kaya inakalang show na pagsasamahan nina JLC at Ellen ang pinag-usapan. Hindi nga lang nabanggit ni

Bayani si Ellen at si Rufa Mae raw ang makakasama sa sitcom.


Wala ring ibinigay na ibang detalye si Bayani sa gagawing sitcom ni JLC sa Kapuso Network, gaya ng kung sino ang magdidirek nito. Sa unang sitcom na ginawa ni JLC sa GMA ay si Edgar Mortiz ang director, kaya lang, parang nabalita na nagkaroon sila ng isyu.


Ang sabi pa, si JLC ang producer ng sitcom at sa GMA lang ang airing. Posible ring collab nina JLC at GMA ang project, pero ang aktor ang mamimili ng makakasamang cast, pati director.


Mas mabuti pang hintayin na lang natin ang iba pang detalye sa project na ito. Wish sana ng mga fans ni JLC, drama ang kanyang gawin o hindi kaya, gumawa siya ng pelikula.





Isa na namang controversial project ng Rein Entertainment ang Drug War: A Conspiracy of Silence (DWACOS) na tungkol sa madugong pagsugpo sa paglaganap ng droga sa bansa. 


Comment ng media na nakapanood sa preview ng pilot episode, matapang ang series at baka ma-TRO (Temporary Restraining Order) raw.


Pinag-react namin si Director Shugo Praico sa posibilidad na ma-TRO nga ang series. 

“Hindi naman siguro,” at “‘Wag naman,” ang mahinahon nitong sagot. 


Wala naman sigurong maghahabol para hindi ito maipalabas sa mapipiling platform dahil may record sa mga nangyari at may mga patunay na maraming biktima ng extrajudicial killing o EJK.

In fact, sa simula ng episode, ipinakita ang statistics kung ilan ang naging biktima ng EJK at iba pang statistics sa pakikipaglaban para sugpuin ang droga sa bansa.

Sabi nga ni Direk Shugo, “The stories of these people need to be heard. The stories the characters represent, pakiramdam namin, will hopefully resonate not just in the Philippines but globally. This is a story of a critical period of our history, it is a story na ‘di natin dapat makalimutan.”


Sa tanong naman kung bakit sila gumagawa ng controversial film, “‘Di naman sinasadya. The material really drew us na parang ilabas ang totoo. ‘Di puwedeng half-hearted. Kailangang itodo, yakapin ang intricacies ng subject,” sagot ni Direk Shugo.


Sa comment na bakit hindi puwede ang cinema exhibition, sagot ni Direk, “Sayang ‘pag ‘di maipalabas, pero sana maipalabas.”


Hindi pa mai-announce kung saang streaming platform maipapalabas ang six-part series. Inaasikaso ito ng Rein Entertainment at KC Global Media. Hintayin na lang daw kung kailan ang streaming date.


This is a must-watch. Ang dami pang malalaman kapag napanood. Bukod sa mahuhusay ang cast, pulido ang cinematography at ang kabuuan ng series. Gugustuhin mong malaman ang naging ending ng karakter ni Fr. Tomas Carillo (Ian Veneracion) at Kiko Agustin (Harvey Bautista), at ng iba pang karakter.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
Kim Domingo - Instagram.jpg
bottom of page