top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Wa' working permit, rumaket nang rumaket… 4TH IMPACT, GINAMIT ANG IT'S SHOWTIME PARA MAKAKUHA NG US VISA, BANNED

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 1, 2024
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | February 1, 2024



Binash ang all-female group na 4th Impact ng mga netizens. May nag-post kasi sa X (dating Twitter) ng kapalpakang ginawa ng 4th Impact sa It’s Showtime.


Post ng account name na AltGMA(@KafosoMo) sa X, “Kaya pala banned kayo sa It’s Showtime at Ignacia dahil sa pagiging mukhang pera. Muntik n'yo na ipahamak sa US immigration ang prods dahil mga ganid kayo.”


May nag-comment kung paano na-banned ang 4th Impact sa It’s Showtime.


Reply ni AltGMA, “Ginamit ang IS to get a US visa, tapos pagdating du'n, rumaket nang rumaket na biglang wit noseline ng prod. Najulie yap ng Immigration na waley working permit.”


Dagdag pa ng AltGMA, “Ang nakakaloka, tinulungan sila ng IS para makasali sa WCOPA tapos ang ending, napasama ang prod.”


Negatibo tuloy ang naging reaksiyon ng mga netizens sa 4th Impact sa X.


“Oh wow... that is so ungrateful.”


“Truth po 'yan! Kung alam lang ng lahat."


“Kaya no wonder 'di sila sumikat.”


“Wala naman talaga silang impact.”


“Mga 4 na impakta.”


Hala kayo!



MISIS NI JOLO, NANGANAK NA NG BABY GIRL



Tatay na uli si Cong. Jolo Revilla!


Nanganak na ang pretty wife ni Cong. Jolo na si Angelica Alita-Revilla sa kanilang first-born na baby girl kahapon, Jan. 31. 


In-announce ni Jolo ang pagdating ng kanilang first baby ni Angelica at pangalawang anak naman niya (una si Gab sa anak ni Rosanna Roces na si Grace Adriano) sa kanyang Facebook account.


Aniya, “Today is a very special day for us. We are very happy and grateful to announce the birth of our beautiful and healthy baby girl.


“We would also like to thank everyone for their prayers and warm wishes,” dagdag niya.


Congrats sa mag-asawang Jolo at Angelica sa kanilang first-born na hindi pa naa-announce kung ano ang pangalan. 


 



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page