top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Wa' raw selos kay Ellen, pero… ANDREA, AMINADONG NANGHIHINAYANG NA 'DI SILA NAGKATULUYAN NI DEREK

  • BULGAR
  • Mar 30, 2021
  • 1 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | March 30, 2021




Sa programang The Boobay and Tekla Show nitong March 28 (Sunday) sinagot ng aktres na si Andrea Torres sa segment na May Pa-presscon ang tanong ng mga hosts na sina Boobay at Super Tekla kung ilang porsiyento niya ire-rate ang kaligayahan ng kanyang puso ngayon matapos silang mag-break ni Derek Ramsay nu'ng October, 2020.


“Siguro, nasa mga 8.5%," agad na tugon ng aktres.


Obvious na ang sentro ng talakayan at pagtatanong kay Andrea ay sa hiwalayan nila ni Derek. Nakapaloob din sa takbo ng panayam ang tungkol sa heartbreak at moving on.


May tips na ibinahagi ang seksing aktres para mabilis makapag-move on mula sa masakit na hiwalayan.


Aniya, “Mag-focus ka sa sarili mo. Gumawa ka ng mga bagay na nagpapasaya sa 'yo, saka mga bagay na hindi mo pa nata-try dati. I-discover mo pa 'yung sarili mo kumbaga.”


Sa tanong kung ready na ba siyang makipagrelasyong muli, “Ako, hindi pa. Parang gusto ko… usually gusto ko 'pag ganito, binibigyan ko talaga ng time 'yung sarili ko para maging mag-isa. Para kapag dumating 'yung next, all out ulit."


Obviously, hindi pa naman na-trauma si Andrea na magmahal uli, hindi katulad ng iba na nagiging man hater na kapag nasasaktan.


Sa bagong karelasyon ng kanyang ex na si Ellen Adarna, naitanong sa kanya kung may nararamdaman ba siyang pagseselos sa tuwing idinidispley ng dalawa ang kanilang lambingan sa social media.


"Wala!" simple niyang tugon.


Aniya pa, "Masaya," nu'ng kumustahin ng mga hosts ang kanyang nararamdaman sa ngayon, bagama't nakakaramdam daw siya ng panghihinayang sa naudlot nilang relasyon ni Derek.





Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page