top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Apr. 29, 2025




Maraming naging pasabog si Jackie Forster sa 15-minute video na in-upload nito sa kanyang YouTube channel para linawin ang tunay na dahilan ng hiwalayan ng kanyang anak na si Kobe Paras sa Kapuso actress na si Kyline Alcantara.


Bilang ina, hindi na nga natiis ni Jackie ang manahimik lang habang bina-bash at tinatawag na cheater si Kobe dahil sa paniwala ng mga netizens na ito ang nagkaroon ng third party kaya sila naghiwalay ni Kyline, habang patuloy lang daw na nananahimik ang aktres at pamilya nito para siya ang kaawaan ng mga netizens at maging victim sa sitwasyon.


Sa kanyang binasang mahabang statement, tinawag ni Jackie na “toxic” ang relasyon ng dalawa, at naramdaman daw ni Kobe na siya ay trapped na rito.


Inakusahan din ng ina ni Kobe ang Kapuso actress ng physical assault dahil sinaktan daw ni Kyline ang anak niya nu’ng ayaw nitong ibigay ang cellphone, bukod sa minaliit daw ng mga magulang ni Kyline si Kobe.


Ipinagdiinan ni Jackie na hindi cheater si Kobe dahil matagal na raw itong break kay Kyline bago lumabas ang mga pictures na may kasama na itong bagong babae sa bar.

Kaya hirit ni Jackie, “So you can all judge and hate my son from moving on so seemingly fast but I think that’s better than loving someone for pretending to be somebody that they’re not.”


Ikinuwento rin ni Jackie na nagtataka siya kung bakit pinalalabas ng magulang ni Kyline na “masama” si Kobe gayung gustung-gusto naman daw ng aktres na magkabalikan sila at nagpatulong pa nga sa ina ng ex-BF.  


“Kyline should have completely understood—the day that he decided to leave her that he had had enough,” sabi pa ni Jackie.


Sinabi rin ni Jackie na sa kabila ng effort niyang tulungan si Kyline para makausap si Kobe sa hinihinging balikan ng aktres, “She became condescending, bastos, and made a promise to do what she needed to save her career. Then she posts a cryptic message and again her parents post one, too. This when I told myself I need to believe what I was seeing. I need to stop denying.”


Sa tingin ni Jackie, walang pakialam ang Kapuso actress kung maaapektuhan ang mga taong tumutulong sa kanya.


Saad ni Jackie, “It really showed that Kyline will do what Kyline wants to do to get what Kyline wants.”


Sa huli, may iniwan ding pahayag si Jackie sa pagiging pa-victim daw ni Kyline. 

“If you’re a victim, you’re the victim of your own doing.


“Now I hope everyone who has a heart to truly comprehend the gravity of the deception of your ways. Now sees the real you.”


Bukas ang aming pahina para sa panig at paglilinaw ni Kyline Alcantara sa mga akusasyon sa kanya ng ina ng ex-BF niyang si Kobe Paras. 


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Apr. 22, 2025




Dumating si John Rendez sa burol ni Superstar Nora Aunor sa Heritage Park, Taguig last Friday. 


Dahil stressed at parang hindi raw mapakali dahil sa pagyao ng Superstar, the following day, Black Saturday (Abril 19), na ito nakipag-usap sa ilang press patungkol sa yumaong si Ate Guy.  


Sa araw ding ‘yun nag-umpisa ang public viewing (Sabado ng alas-10 ng umaga) at dinagsa ito ng mga fans.


Marami ang nagpahatid ng pakikiramay kay John, na agad ding bumati sa kanila. 

Sa pakikipag-usap sa kanya ng ilan nilang supporters, nagsabi si John na kakain muna siya. Ilang araw na raw siyang walang ganang kumain. 


Minahal din pala si John ng mga Noranians.


“Opo, opo. Kaya nga sila nandito, para suportahan ‘yung mahal nilang idol, our beloved National Artist, the Superstar. And, ahhh… we have to give them importance also because ‘yan ang gusto ni Ate Guy,” bungad na pahayag ni John na ilang dekadang kasama ng Superstar hanggang ito’y pumanaw.


“So ako, nagpapasalamat ako na ‘yung pagmamahal nila kay Ate Guy at ‘yung support na nila kay Ate Guy, sa aming dalawa, ahh, ang ganda... na mararamdaman mo, makikita mo talaga,” dagdag nito.


Alam daw niya at ng mga Noranians kung gaano siya kamahal ni Ate Guy.  

Pahayag pa niya, “Alam mo, lahat tayo, mahal natin si Ate Guy. We all love Ate Guy. No one can say, ‘I love Ate Guy more,’ or ‘Ate Guy loves me more.’


“Lahat ‘yan, mahal n’ya. At lahat tayo, nagmamahal sa kanya. Pero, in our own way, we show our appreciation, puwede nating sabihin our devotion to the person through our interactions with each other.


“Kumbaga, paano natin ipapakita sa kanya na mahal natin s’ya kung ‘yung mga tao sa paligid niya, mga suplado, ‘di ba?


“Hindi naman tayo suplado. Depende naman sa kausap. Pero pagdating sa mga fans, Ate Guy always makes her fans a priority. So, the only way we can honor her memory is to show kindness and show importance to the people that, for her, are number one.”


Nasaksihan niya kung paano pinahalagahan ng Superstar ang Noranians all these years.  


Tumango si John, “Opo, opo, opo. Alam ko ‘yan. Matagal ko nang nakita. Matagal ko na pong kasama si Ate Guy.”


Hanggang sa naging emosyonal na si John. 


Aniya, “Ahhh, pasensiya na po, medyo I’m still at a loss for words, eh. I’m still absorbing it, eh.  


“Pero nakita ko kung paano s’ya magmahal sa mga fans n’ya. And ‘yun ang isa sa minahal ko sa kanya. Alam ko, ‘yung relationship between her and the fans is very, very personal and very, very special.  


“And I just want to be able to honor her memory by showing affection towards the people that she cared about.”


Natanggap na ba ni John ang pagkawala ng nag-iisang Superstar, ang Ate Guy ng buhay niya?


Aniya, “Parang hindi totoo.”



TULUY-TULOY na ang pagbabalik ng longest-running drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK) ni Charo Santos-Concio ngayong Abril 24. 


Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News, ani Charo, “Hindi naman s’ya [MMK] nawala sa consciousness ko. Never siyang nawala.”  


Sa pagbabalik ng kanyang MMK, featured ang buhay at tagumpay ng ating kababayang


si Sofronio Vasquez, na itinanghal bilang The Voice USA Grand Champion 2024. 

“The show’s return is proof that stories like Sofronio’s still matter deeply in today’s culture,” lahad ni Charo.  


Dagdag pa niya, “I guess they also saw the value of the program. Ako (ang) pinakamalungkot [when MMK was cancelled].” 


At sa pagkawala ng MMK, doon n’ya nadiskubre ang influence ng programa sa mga kababayan nating gustong i-share ang kuwento ng kanilang buhay.  


Aniya, “‘Di ba ‘pag medyo madrama ang buhay mo, maririnig mo, ‘I-MMK na ‘yan!’ o ‘Oy, pang-MMK, ah!’”  


Ang napiling gumanap bilang si Sofronio ay si Elijah Canlas, ang magaling at award-winning Kapamilya actor.  


Sa mga hindi naipalabas na istorya ng MMK bago ito na-cancel, mapapanood din ang mga inspiring stories na streaming 48 hours in advance on iWantTFC starting April 24 (Thursday). 


Sa naganap na mediacon ng MMK last week, naitanong kay Elijah na gaganap bilang si Sofronio Vasquez kung agad niyang tinanggap ang role kahit alam niyang ‘di siya singer by profession?  


“First time ko rin gumanap ng isang tao na buhay pa. Kasi the other roles, I’ve done mga historical figures. So, at least now I had that reference to interview Sofronio, learn more about him, about the story. Sana nagawa namin nang tama.”  


Naitanong kay Elijah kung ano ang mga highlights ng episode at pabiro niya itong sinagot, “‘Yung singing skills ko po,” na ikinatuwa ng media. 


Sey pa niya, “Hindi, actually, ‘yun po ‘yung unang tanong before I accepted it, I asked kung okay lang ba na I can’t sing like him, ha? I can admit naman na hindi ako biritero like Sofronio. I can sing, but not like him. Pero sabi po nila, okey lang daw. But when I read the script, meron dalawang kanta doon that I had to sing. Pero kaya naman. Pumasok naman sa range ko.


“Salamat sa prod, kasi may isang Bisaya song. Eh, hindi naman ako Bisaya. Then they asked Sofronio to record it himself. Tapos siya ‘yung vocal coach ko.”

Bongga!

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Apr. 16, 2025





Sa wakas, ipinagtapat na ni Priscilla Meirelles na hiwalay na sila ni John Estrada, at tumanggi siya sa kagustuhan ng mister na makipagbalikan sa kanya.  


“The book is closed,” ani Priscilla kay Karen Davila sa panayam nito sa kanya sa YouTube (YT) vlog nito last April 10, 2025.


May isa silang anak ni John na si Anechka Estrada at dito na lang daw niya ipo-focus ang kanyang atensiyon at buhay.


Nilinaw din ni Priscilla na ikinasal sila ni John nu'ng February 2011 at never silang nagpa-annul, kaya masasabing mag-asawa pa rin sila at nais niyang manatili siyang asawa ni John sa mata ng Diyos at sa batas.


Hindi raw naging madali kay Priscilla ang magdesisyong hiwalayan si John kahit paulit-ulit na ang ginagawa nito sa kanya.


“That behavior was not the first time that happened. It’s been happening for many years. I endured a lot. People have no idea. What I can say is that if I step out, I said something and we are where we are right now.”


Naihanda niya raw nang husto ang sarili sa hiwalayan nila at ipinagpapasalamat daw

niyang responsableng ama naman si John sa kanilang anak.  


Pahayag pa niya, “I’ll say that I’m very prepared. Emotionally, first one. Financially, number two. But thank God and thank John, he’s a good provider. So far, he’s been providing regardless of what the situation ends up to be. 


“He does love his daughter so greatly and he is a good father. Maybe not a perfect father, but I think he’s the best father that he can be. The way that he was taught [growing] up to learn to be. He’s a good provider. So, I can give that to him.”


Inamin din ni Priscilla na masakit ang kinahantungan nila ng asawa.


Twenty-seven years old pa lamang daw si Priscilla noong ikinasal sila ni John. Marami pa raw sanang opportunities na maaari niyang naranasan bilang crowned Miss Earth 2004 na puwedeng humantong at umpisahan ang showbiz career niya sa Pilipinas. Pero, hindi na raw niya ito nagawa dahil nag-asawa na nga siya.  


Sa kabila nito, hindi naman daw niya pinagsisihan na pinakasalan niya si John.

Aniya, “I have no regrets. We had a wonderful life despite all the roller coasters. I do have high regard for him. I do respect him as the father of my daughter. And I’m grateful that he’s a good provider. 


“He always says that he loves me so much. And I believe he does in his own way.”

Pero nauubos din daw ang kanyang pasensiya.


“The issue is, Karen, he doesn’t love me the way I deserve to be loved. And that’s the issue. So I do believe that he tries his best. The problem is his best is not what I need.”


Sabi pa ni Priscilla, “So, I really cherish all the moments. And I'm here to support him. I pray and hope that he continues to be a good father. That his actions do not reflect whatever is happening in our relationship.”


Kinlaro rin ni Priscilla na tapos na talaga sila ni John, “Whatever happens between the two of us, we’re not ending up together. I always have high, you know, high appreciation for him being the father of Anechka.  


“I know that he has high hopes that maybe one day, the way I feel changes. I don’t think so. Because I’m the type of person that when I step out of the room, I’m gone. So I fight until the last minute, until my last breath. But once I decide no more, it’s no more.”


At hindi na raw ito magbabago. 

Biro pa niya, “And I actually joke with him and a lot of my friends, I say, well, if he becomes a pastor.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page