Search
  • BULGAR

Wa’ raw korupsiyon sa transaksiyon sa pagbili ng Sinovac, edi wow!

ni Ka Ambo - @Bistado | January 20, 2021



Idineklara ng Department of Agriculture (DA) na bird flu-free na ang Pilipinas.


Huh, buti pa ang mga ibon, hindi na magba-vaccine!


◘◘◘


Iniligtas daw ang isang aso mula sa pagkakasagasa ng tren.


Bakit kaya ‘yung mga hayop ay mahal na mahal ng tao, pero ang kapwa niya—hindi niya inililigtas sa gutom?


◘◘◘


Laging kulimlim at nagbabanta ang ulan kahit tag-araw na.


Nakikidalamhati ang langit sa isang walang katapusang panganib!


◘◘◘


Wala raw korupsiyon sa transaksiyon sa pagbili ng Sinovac.


Sabihin ninyo ‘yan sa buwan!


◘◘◘


Higit sa 100 hundred billion dollars ang reserba ng Bangko Sentral.


Nai-stress sa dami ng dolyar ang hepe ng BSP kaya naospital!


◘◘◘


Tinitira ni Secretary Harry Roque ang komedyanteng si Vice Ganda.


Huh, pigilan ninyo—baka magkurutan at magsabunutan!


◘◘◘


Nagkalat pa rin ang pasugalan sa paligid.


As usual, kailangan ang intelehensiya.


He-he-he!


◘◘◘


Pinatay ang isang beteranong journalist at hinahanting pa ang isa.


‘Yan ang dapat subaybayan ni Usec Joel Egco sa FPJ’s Ang Probinsiyano!


◘◘◘


Tumiwalag na ang AFP sa kasunduan sa UP na hindi sila manghihimasok sa loob ng campus.


Puwede nang magtayo ng barracks ngayon sa loob mga campus.


Tapos ang demokrasya!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.