Wa' pang "K"… BEA, TUMANGGING MAGING LEADING MAN SI RAYVER
- BULGAR
- Nov 25, 2021
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 25, 2021

Hindi naman siguro ikasasama ng loob ni Rayver Cruz kung tumanggi man si Bea Alonzo na makapareha siya sa isang project na gagawin nito sa GMA Network.
Tatlong aktor daw ang pinili ni Bea na gusto niyang maging leading man sa serye niya sa Siyete — sina John Lloyd Cruz, Dingdong Dantes at Alden Richards.
Sila ni Alden ay may movie na gagawin na joint venture ng GMA Films, APT Entertainment at Viva Films. Inaayos na lang ang schedule nilang dalawa.
Wish din ng GMA Films na gawin ang reunion movie nina Bea at Lloydie.
Abala naman si Dingdong sa seryeng pagtatambalan nila ni Beauty Gonzalez.
Well, para sa mga netizens, hindi pa ganap na “hinog” si Rayver upang makapareha ni Bea Alonzo sa isang project. Baguhan pa rin na maituturing si Rayver at hindi pa nahahasa nang husto sa mabibigat na aktingan.
Baka nga naman matabunan siya ni Bea na certified drama actress. At maging sa level ng kanilang career, malayo ang agwat ni Bea kay Rayver. Marami pang taon ang kanyang gugugulin upang maging established na aktor.
Hindi naman masasabing choosy si Bea Alonzo. Inilalagay lang niya sa lugar ang lahat.





Comments