top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Wa’ paki sa mga biktima ni Odette… VICE, TODO-DISPLEY NG MILYONES NA PAGSA-SHOPPING

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 6, 2022
2 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 06, 2022





Marami nga ang nag-react nang mapanood ang vlog ni Vice Ganda kung saan nag-last minute Christmas shopping siya sa Solaire Hotel para sa kanyang panregalo sa mga mahal niya sa buhay.


Ipinasundo pa siya ng Rolls Royce dahil wala siyang driver. VIP ang treatment sa kanya pagdating sa hotel at asikasung-asikaso ng buong hotel staff.


Puro high-end shops ang nasa Solaire tulad ng Louis Vuitton, Christian Dior, Prada, atbp., kaya, milyones ang nagastos ni Vice Ganda sa pagsa-shopping.


Aware naman si VG sa sasabihin ng lahat sa kanyang bonggang-bonggang regalo para sa kanyang mga mahal sa buhay. Puro branded bags at shoes ang kanyang binili para sa kanyang ina, kay Ion Perez na kanyang boyfriend, at sa kanyang mga kapatid at pamangkin.


May ilang netizens ang nag-comment na sana’y hindi na lang inilantad ni Vice Ganda sa publiko ang kanyang mga mamahaling regalo sa mga kamag-anak lalo na sa panahon ngayon na marami ang nawalan ng trabaho at halos walang maisaing.


Idagdag pang marami ang nasalanta ng bagyong Odette na nangangailangan ng tulong at ayuda.


Libu-libo ang nawalan ng bahay at nakatira lang sa evacuation centers.


Feeling ng marami ay napaka-insensitive ni Vice Ganda upang ipakita pa ang kanyang sobrang luho sa buhay. Mas maa-appreciate pa nila kung ang mapapanood sa vlog ni VG ay ang pagpunta niya sa mga nasalantang lalawigan na may dalang bigas atbp. essentials na kailangan ng mga residente.


Anyway, pera naman ni Vice Ganda ang kanyang ginagastos sa mga luho niya sa buhay. ‘Yun ang nakakapagbigay sa kanya ng saya kaya puwede niyang gawin kung ano ang gusto niya.


Kaya, dedma si VG sa kanyang mga bashers. At ang linyang madalas niyang sabihin ay “Mamatay kayo sa inggit”!


Sana lang, ‘wag siyang kalabitin at subukin ng panahon. Baka ang lahat ng inipon at naipundar niya ay maglahong bigla.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page