top of page

Wa' paki kahit walang make-up… NADINE, NAMALENGKE SA SIARGAO NA NAKA-SWIMSUIT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 27, 2021
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 27, 2021



ree

Kumalat na naman ang latest photo ni Nadine Lustre sa social media habang nagbabakasyon sa Siargao.


Nadine's latest photo na nag-viral sa socmed ngayon ang pinakamalinaw at pinakamalapit na kuha sa aktres. And this time, hindi kasama ni Nadine sa piktyur ang rumored boyfriend niyang Fil-Am-French swimmer na si Christophe Bariou.


Makikita sa piktyur na tila may binili si Nadine sa isang tindahan na parang nasa loob ng maliit na palengke located sa General Luna, Surigao Del Norte. Napakasimple ng hitsura ni Nadine habang bumibili sa tindahan ng isang bote na pamilyar bilang lechon sauce.


Walang makeup si Nadine at ang suot ay swim top na labas ang kanyang tiyan paired with denim shorts.


Ang netizen na si Arah Mae Conte ang kumuha ng piktyur ni Nadine habang bumibili sa tindahan.


Caption ni Arah Mae sa kanyang FB post na piktyur ni Nadine, “Kng pag suyod pa lamang sa bayay tag kit-an ko nkaw di ko nkaw gjud pa lugwaon Nadine." (Kung pagpasok pa lang sa bahay, Nadine, nakita na kita, 'di na kita palalabasin.)"


Nainterbyu rin pala ang naturang netizen sa isang kilalang broadsheet at dasal niya, huwag daw magalit sa kanya si Nadine sa pag-upload niya ng larawan ng aktres.


"Nu'ng pag-picture ko po, tumingin lang sa 'kin, tapos balik po agad sa tinda po namin, kasi sinuklian na siya. Sana lang po, 'wag magalit si Nadine po, na-shock lang po talaga ako."


'Kaaliw naman ang mga comments ng mga netizens sa piktyur ni Nadine. May kani-kanya silang kuwento kung ano ang ulam ni Nadine at kung anik-anik pa.


"'Yung nautusan ka ng nanay mong bumili sa tindahan. (MANG TOMAS PO HAWAK NIYA)"

"Nadine living a simple life in Siargao."


"Mukhang may bagong endorsement na naman si Mama HSHSHSHSHAHA."


May mga nagretoke na rin ng piktyur ni Nadine at isinama ang sarili nila katabi ang ex-GF ni James Reid. Habang ang ibang netizens ay pinuri ang "no makeup look" ni Nadine sa piktyur.


"Walang paki si Nadine sa kulay niya, babad du'n, babad sa beach or pool, maglakad sa mountain... 'pag tunay na maganda talaga, umitim man, walang takot, eh."


"She looks so young without makeup."


"Queen Nadine is so adorable going out without hesitation knowing who she is."


In fairness kay Nadine, iba rin talaga ang ganda at kulay niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page