ni Ambet Nabus @Let's See | July 7, 2025
Photo: PBB Collab Big Winner - BreKa
Kumalat nga ang balitang hindi na nag-exert ng sobrang effort ang mga families nina River Joseph at AZ Martinez ng AzVer sa katatapos na Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition.
Talaga raw na ang makapasok lang sa ‘Big 4’ ang ambisyon ng mga pamilya nila dahil dito na nga raw sa outside world, kasama ang mga bago nilang mga supporters at fans, gagawa ng way na ma-sustain ang kasikatan nila.
“Kering-keri nilang makipagsabayan sa paggastos pero mas pinili nilang mag-lay low dahil may mga collab projects sila para sa dalawa,” sey ng mga AzVer fans.
Tinanghal ngang big winner ang BreKa nina Brent Manalo at Mika Salamanca na nakakagulat din ang dami ng mga supporters. Kahit ang duo ay gulat na gulat din sa naging resulta gaya ng RaWi nina Ralph de Leon at Will Ashley nang ang duos na lang nila ang naiwan.
Third big placer naman ang CharEs nina Charlie Fleming at Esnyr, na kinagiliwan ang pagiging proud Bisaya.
Congratulations and good luck dahil ‘ika nga, nandito naman talaga sa labas ang totoong laban.
MARAMI naman ang nagsasabi na tila may pagka-overprotective umano si Vincent Co kay Bea Alonzo.
Dahil napapadalas nga ang sighting sa dalawa sa mga public events, hindi maitatanggi na ang lahat ay nagpapalagay na more than friends na nga sila.
“Holding hands, akbay, pag-alalay, mga pagbulong at ilang touchy scenes with sweet smiles, kung ‘yun ang ating gagawing basehan to conclude na sila na, then ‘yun na nga,” komento ng mga observers.
‘Yun nga lang daw, kapag tila sobra nang nakukuyog o dumarami na ang gustong maki-Marites, may extra effort at kilos nang ginagawa si Vincent gaya ng pagbibigay ng mas mahigpit na hatak at tapik kay Bea at pag-alalay sa aktres na mararamdaman mo ‘yung konting pressure.
Gusto nating ipagpalagay at isipin na proteksiyon nga ‘yun para kay Bea dahil sino ba naman ang magnanais na masaktan o lapirutin na lang ang magandang si Bea ng mga Marites at mga uzi?
For us, Vincent is simply doing his job as a caring and loving boyfriend, ‘noh!
Huwag nang lagyan ng kulay at nega na malisya.
NGAYONG Lunes magkakaroon ng inauguration address bilang nagbabalik governor sa Batangas ang mahal nating si Gov. Vilma Santos-Recto.
Inaasahan siyempre na marinig ng mga Batangueño ang mga programa at adbokasiya na kanyang ginawa noon at muling ipagpapatuloy with newer and better plans.
At kahit nakabalik na nga ang anak na si Luis Manzano sa kanyang TV show, may inilaang mga araw ang aktor para maging assistant ng ina sa ilang mga gawain sa Kapitolyo.
Talaga raw personal na nagprisinta si Luis na tumulong sa kanyang ina lalo’t magka-align naman ang mga programa nila na inilatag during the campaign.
Hindi man pinalad na maging vice-gov. ang aktor-host, magsisilbi pa rin siya sa lalawigan sa mga kaparaanang naaayon sa batas at nakalinya sa mga programang may Talino at Puso.
Pamumunuan pa rin ni Luis ang mga programa sa edukasyon, kalusugan at kabataan na under ng HEARTS program ni Gov. Vi.
“At wala s’yang suweldo, ha? Talagang volunteer lalo’t may mga cause-oriented groups na voluntarily ay sasamahan s’ya,” kuwento ni Gov. Vi.
Samantala, matagumpay ngang nakabalik ang Rainbow Rumble (RR) sa TV ni Luis at sa unang mga episodes nito ay mabilis itong nag-viral sa socmed (social media) at nagtala ng bonggang rating.
Among the shows nga na ini-offer kay Luis Manzano, pinili niya ang RR.