Wa’ paki kahit mukhang clown… GRETCHEN, TODO-SAYAW SA UMAANDAR NA SASAKYAN
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 8, 2021

Enjoy life lang talaga ang dating sexy actress na si Gretchen Barretto mula nang piliin na niya ang pribadong buhay, though hindi pa rin naman siya totally nawawala sa industriya.
Tuwing may ganap kasi tungkol sa kanya, pinag-uusapan pa rin siya.
Let’s face it, interesting topic naman kasi talaga si La Greta kaya hindi siya nakakalimutan sa industriya kahit pa ‘di siya aktibo sa paggawa ng TV shows at pelikula.
Kamakailan ay trending na naman si La Greta sa bago niyang upload sa kanyang Instagram account. Isang video ito kung saan nagsasayaw siya habang umaandar ang kanyang sinasakyan, kesehodang magmukha siyang clown sa kanyang ginagawa.
Naaliw ang mga netizens sa kanya at ilan lang ito sa mga naging reaksiyon nila…
"Eh, sa hindi naman talaga siya comedian, anebey!"
"Masyado ka namang seryoso sa buhay. Chill out. Life is too short."
"Loka talaga itong si Gretchen, haha! She is just enjoying her life. Parang kengkoy talaga siya madalas sa mga ka-close niya."
"Parang ang sarap niya nga kasama dahil kengkoy nga, masaya lang lagi."
Parang bitter naman ang isang netizen na ‘di yata feel si La Greta. Komento nito, “Hindi na maitago ang edad. Lumalabas na kahit gastusan nang todo."
Inayunan naman ito ng isa ring commenter, "Hello, hello cellulite n’ya considering dami na ginawa for that."
"It seems her happiness is fake. ‘Yun lang observation ko."
"True. Pero in fairness, kaya pa ring makipagsabayan ng katawan at ganda niya sa mga pamangkin niya kay Marj."
"Grabe si Madam, puwedeng kabugin ang youthful ganda ni Julia. Lol"
She's in her 50s but my goodness, she can still rock those denim shorts.
"Hayahay ang buhay ni La Greta. One of the blessed persons in showbiz."
Well, well, well, it's true naman. At marunong siyang mag-share ng blessings na natatanggap.
‘Di ba, Francis Simeon?





Comments